Special Chapter 2

238 5 0
                                    

Spicy's point of view

"Oreo! Namiss ka namin!" Gulat na napabaling sa amin si Oreo na kakalabas lang mula sa loob ng airport.

"Bakit andami niyo yata?" Yes, madami kami, lahat ng tropa plus yung mga sabit sa tropa at ang sabit pa na iba na sila Brent, Aljun, Kib, Jollo, Prince, Andrei at .... Ricci.

Nakakaclose na naman namin si Ricci pero parang may bakod pa din na tila nakaharang, nihindi ko nga alam kung nakamove on na ba talaga si Oreo e.

Isa-isa niya kaming niyakap at nang mapunta kay Dj ay ano ba pang aasahan? Lalo na sa president ng fans club nila.

"OreD is real na ba? Alam mo ba Oreo, isang beses nakasalubong namin yung mga teachers natin nong high school tapos tinanong ka nila sa amin at kung kayo na daw ba ni Dj. Hanggang ngayon marami pa din umaasa sa inyo! Di niyo man lang ba kami pagbibigyan?" OA na kwento ni Pancake.

Patuloy pa din sa pagyakap si Oreo habang nakikipagkamustahan at etong si Pancake patuloy sa pagkekwento niya.

"Yung mga classmates natin dati ganon din ang tanong. Baka naman, Oreo? Single ka naman diba?"

"Hmm.. hindi?"

"WHAT?!" Sigaw naming mga babae kaya nagtinginan ang mga tao dito. Antagal naman kasi ng bagahe ni Oreo.

"May boyfriend ka na, Oreo?" Baling ni Brent kay Oreo dahil siya ang niyayakap nito ngayon.

"I'm engaged."

"WHAT THE ACTUAL FUCK?!" Oa pa din ni Pancake, nagreact ang lahat pero iba lang talaga yung kay Pancake.

"Seriously?!" Tanong ni Aljun na sa kanya na yumakap si Oreo.

"Charot! Bata pa ako para mag-asawa no! Pero kung si James Reid ang nagyaya sakin, why not?"

"Sabagay kung ako din naman, g din!" Kumento ni Chips.

"Yeah, ako rin." Si Malkist din daw.

"Seryoso?! Lahat kayo kay James Reid? Mas pogi pa ako don!" React ni Res.

"Pero ang hot non e." Pantasya ni Cookie.

"Yah! Mukhang masarap, ay hindi! Masarap talaga." Tumatawang sabi naman ni Pancake.

"Sows! Akin lang yun." Pagtutol ni Oreo sa mga sinasabi nila.

Nagpatuloy ang asaran ng lahat dahil di mawawala yun. Lalo na sa pagbabadtrip nila Guel, Res, Ret, Zy Brent kila Malkist, Chips at Pancake.

"Uhmm... hi?" Binalingan namin ang awkward na pangyayari sa pagitan nila Oreo at Ricci. Napatahimik kaming lahat at pinanood sila.

Makikita mo na di malaman ni Oreo kung yayakapin niya ba si Ricci o hindi.

"Ricci?" Tawag ni Oreo dito dahil kanina pa tila wala sa sarili si Ricci,  kanina pa kahit papunta pa lang kami.

"Hmmm?" Natauhan na siya at tinignan si Oreo.

"Uhm... kamusta?" Di na hinintay nito ang pagyakap dahil si Ricci na mismo ang humila para mayakap ang dating nobya.

"I miss you." Tahimik lang si Oreo at hindi sumagot, sabagay di naman nag "I miss you too" samin si Oreo, naging cold kasi ito, sabi nila tita at sabi ng mga kapatid niya. May time na tahimik lang ito kahit nagkakasayahan daw sa kanila sa Palawan. Pansin ko rin kapag nakikipagchat ako rito, marahil pati ang iba ay nararamdaman ito.

Mabagal ang pagtaas ng isang kamay ni Oreo patungo sa likuran ni Ricci, marahil sa pagkagulat. Humigpit ang yakap ni Ricci at nakikita mong sabik ito samantalang si Oreo at di ko maaninaw ang reaksyon nito dahil nakatalikod at si Ricci ang nakaharap sa amin.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now