Thirty-Seven

186 7 0
                                    

Tatakbo, baka sakaling umabot,
Maghahanap, baka sakaling makita ,
Lilingon, baka sakaling nasa likod,
Sisigaw, baka sakaling marinig. Hanggang baka sakali na lang ba?
Hanggang sa maibalik ang tayong dalawa?





Chips' point of view


"Oreo, san ka pupunta? Gala tayo! Sabado naman e." Anyaya ko sa tangang to! De joke! Ililibre ko siya dahil ilang araw na itong nagmumukmok sa kwarto niya sabi ng mga kuya niya. Tinatanong na nga sa amin baka daw break na daw si Ricci at Oreo, pero lagi naming iniiwasan yung tanong na yun dahil di namin alam kung sila pa ba o sila nga pero parang wala din.

"Kay Ricci. Sabado is Bae day!" Masaya niyang saad.

"Sure ka bang andon si Ricci sa dorm nila?"

"Chinat ko pero di pa nagrereply. Feel ko naman andon yun, rest day non e. Wala silang training ngayon so malaki ang chance na andon yun."

"Di ka sure? E paano kung kasama na naman niya mga kateammates niya tapos aalis sila?"

"Sasama ako sa kanila. Di naman siguro ako itataboy ni Ricci pag andon na ako diba? Kasama na niya kateammates niya, kasama niya pa ako, oh diba?"

"E bakit ngayon mo lang naisipan yan?"

"Ah kasi di naman sinasabi ni Ricci kung nasaan sila kaya di ko alam san ko pupuntahan." Malungkot niyang sabi.

"Samahan na kita baka kasi wala kang maabutan don at least pag kasama mo ako edi tayo na lang magdate."

"Ang nega mo! Andon yun. Sana andon."

"May posibilidad na wala don."


Nakita ko na ihahatid kami ni kuya Black. Mygash! Ampogi telege neye!


"Baby, bakit hindi mo sabihin kay Ricci na bibisitahin mo siya don?" Grabe ang hot niya talaga. Jusq! Oreo, takpan mo yang kuya mo at baka masunggaban ko yan.

"Susurpresahin ko siya."

"Makakatikim na sakin yan si Ricci e. Lagi ka na lang nagkukulong sa kwarto mo."

"Di naman dahil kay Ricci kuya, ano kasi, gumagawa ako ng school works."

"Liar. Kinausap ko yung prof niyo kung marami ba kayong ginagawa, sabi niya hindi naman masyado, it's more on groupings so hindi siya individual."

"E kasi...ano...yung mga kagroup ko bawal sila gabihin kaya nag-uusap kami online tapos kanya-kanyang pasa ganon."

"Baby, kung sila kuya pwede mong maloko, ako hindi. Kahit busy ka, may time ka pa din para makipagkulitan samin pero these past few weeks tila tumatahimik ka tapos ang lungkot mo."

"Wag mo kong pansinin kuya."

"Wag pansinin? Di pwede yun. Kapatid kita, prinsesa ka namin. Bakit ako papayag na ganyanin ka ni Ricci?"

"Ako nga, hinahayaan ko na ganituhin niya ako."


Tamang pakikinig sa magkapatid na nasa harap dahil wala akong karapatan sumingit.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now