Seven

494 5 0
                                    

Ang pagkawala ng bituin ang sabay ng pagbuhos ng malakas na ulan, ang pag patulo ng mga luha.




Mahaba-habang linggo ang dumaan at walang bakas ng Archers ang nasulyapan namin, di ko tuloy napagnasaan si Andrei, hays. Joke lang! Di ko man lang nakita yung ngiti niya na nakakapagpagising ng katawang diwa ko.

Nakahiga pa din ako sa kama ng tawagin ako ni kuya Gray.

"Oreo! Tawag ka ng tropa mo." Sigaw niya. Makasigaw naman tapat lang ng kusina yung kwarto ko e. Tila tanga! Tapat lang kasi ng kwarto ko yung kusina tapos yung sa mga kuya ko don sa taas, sama sama sila pero malaki naman na tila pinagsama samang limang kwarto. Di ako dinamay don ni papa e, may mga bagay daw na dapat sa mga lalaki lang.

"Bakit daw?" Sigaw ko din.

"Ano ako asking station?" Bara niya.

"Hindi! Telling station kasi meron kay telliling!" Bara ko pabalik.

"Weh? Yan na yung joke mo? E eto, knock knock" sabi niya.

"Walang tao, balik next time."

"Bilis na! Paepal to!"

"Who's there?" Wala kong ganang sabi sabay bukas ng pinto.

"Eto yung kinanta ni Zhavia sa the four e. Telling me softly with this soooong~" may pa mic niya pa yung hawak niyang saging.

Lumapit ako sabay sabing, "kuya, sabi naman sayo e pag may problema ka, pagusapan yan. Wag kain bato ha?"

Hinahabol niya ako para sapukin kaya tumakbo na ko papunta sa salas ng nakapantulog at walang suklay. Nagkuhaan kami ng walis para magespadahan ng natigilan ako ng tawagin ang masarap kong pangalan, nang bumalandra sakin ang pagmumukha ng tropa ko at nagdala ng mga back up dancer. Joke! Archers. AY PUTA ARCHERS! TAPOS WALA KONG SUKLAY TAPOS WALANG HILAMOS AT ANDYAN SI ANDREI CARACUT NA KASALUKUYANG NAKATITIG SAKIN, WHAT THE FVCK?!

"Ah uy hi? Ano meron?" Tanong ko habang binababa yung walis at sabay kusot para matanggal ang muta at kapa na din na baka may laway hutaena.

"May team building kasi sila tapos gusto nila tayong isama, actually ikaw lang kasi nakwento ko dati na hobby mo ang photography." Kwento ni Malkist.

"Ha? Bat ako? At bakit kayo kasama?"

"Alangan naman ikaw lang babae?" Sagot ni Pancake.

"E bat ba kasi ako? At kailangan may photographer pa? Para san? Para ibenta mga katawan nilang nakahubad at ipakita sa madla? Talak ko.

"Baka gusto niyang makita ang sizzling hot body natin?" Natatawang sabi ni Ricci.

"UUUYYYY GUSTO NIYA MAKITA MGA KATAWAN NAMIN." Wika ni Aljun.

"Ha? Feeling! Pipicturan ko kayo diba?" Sabi ko.

"E bakit katawan agad sinabi mo? Napaghahalataan ka mamsh." Sabi ni Brent.

"Kay Caracut lang gusto makita niyan." Asar ni Chips.

"Hoy walang ganyanan." Pinangdilatan ko nga.

"Caracut pala ang nais ni ate mo Oreo." Gatong ni Brent. Tinarayan ko si gago, mapapahiya ako neto e.

"So ano na teh? Ready na kami lahat. Ikaw na lang hinihintay." Sabi ni Pancake.

Pagbaling ko sa kanilang lahat ayos na ayos na sila tapos may mga bag ng dala.

"E bat kasi di niyo man lang ako sinabihan?" Tanong ko.

"Lahat kami chinat ka. Check mo pa." Kinuha ko yung phone sa table na nasa harap nila. Naiwan ko yata dahil naglaro kami ng unggoy-unggoyan ng mga unggoy kong kapatid. Chineck ko ito at lahat sila pati si Andrei na di ko alam pano nila nakuha number ko.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now