Twenty-Four

251 3 0
                                    

Lumalamig na ang gabi, pero wala ka pa rin sa aking tabi. Kailan ka ba babalik? Kailan ang bituin ay sisilip muli?








Bakit parang may mabigat na nakapatong sa tiyan ko? Tapos sa may paa ko? Kaya naman pala, yung dalawang kamay ni Res nasa tiyan ko tapos nakasanday yung paa ni Dj sa paa ko. Gawin daw ba akong unan? Inalis ko yung mga hadlang para tumayo ako. Alas singko pa lang pala pero ang aga kong nagising. Una kong hinanap yung phone ko at yayayain ang tropa dito dahil aalis naman ang mga to para magtraining.


Spicy, punta kayo
sa condo nila Res.

Malamang tulog pa yon kaya di magrereply agad, napagdesisyunan ko ng maghanap ng pwedeng lutuin.

May nakita akong pancake mix at yun ang iaalmusalin ko. Ipagluluto ko sila ng sinangag, hotdog, tocino, itlog at bacon dahil magttraining pa sila. Dinamihan ko talaga para sa akin mamaya.

Luto dito, mix doon. After ng mahigit isang oras ay naluto na ang lahat.

Di ko na sila inantay magising dahil uubusin nila yung pancake ko at hindi magandang ideya yon. 8 pa naman training nila kaya marami pa akong oras para namnamin yung pagkain.


Habang naghuhugas ako ay may nagdoor bell, sino kaya ang hampas lupa na pupunta ng ganto kaaga? Sino?!


Pagbukas ko ng pinto, andami nilang mga hampas sahig na walang pakundangan na pumasok. Lima silang lahat, akalain mo yun, medyo malayo sila dito pero andito na agad sila ng ganto kaaga? Anong meron?


"Oreo, may dala kaming mga pagkain diyan, moma tayo tapos nagaya maginom si Malkist." Wika ni Pancake.


"Bakit? Mga pinayagan ba kayo?" Tanong ko.


"Oo naman!" Sagot nilang lahat kaya nagising ang mga kaninang natutulog.


"Ang ingay puta!" Sigaw ni Ret.


"Hoy! Tayo na kayo diyan, may training pa kayo." Wika ko.

"Sakto! Makakapagsolo tayo." Masayang saad ni Cookie.


"Condo niyo to? Condo niyo to?" Bara ni Res sa bestfriend niya.


"Oo nga. Bida ka kie ah." Dagdag ni Zy.


"Mga inggitero!" Sabay taray ni Chips sa kanila.


Nagsiupuan naman sila sa sofa dahil walang natulog sa kwarto kagabi, lahat kami nasa sala. Naglaro kasi kami ng uno hanggang sa nagkaayaan na matulog, pero nauna talaga akong natulog, ako pa ba?


At nagsiupo na ang mga magttraining dito sa kusina at magsisikain na sila. Di ko na sila inasikaso dahil naghuhugas ako ng kinainan at pinaglutuan ko at ano sila chixx? Ako pa magaasikaso?

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now