Thirty-Nine

215 6 0
                                    

Di na nga kayang tahiin pa,
Kahit pa tagpi-tagpiin ang bawat tela.
Di na nga kayang ibalik ang nasira na,
Kahit pa lagyan ng pandikit, wala.







I

naya ako ni Oreo na magfliptop marathon ngayong gabi. Hindi talaga ako fan ng fliptop. Mga vlogs or luto-luto, pwede pa pero dahil alam kong gusto niyang sumaya sa simpleng panonood ay handa akong samahan tong hinayupak na to.

"Anong gusto mong unahin Malkist? Dos Por Dos o Isabuhay tournament?"

"Kahit ano. Di ko alam yan!"

Nakatapos na kami ng isa pero nabobored ako, di ko talaga hilig pero dahil nakikita ko ang pagtawa at pagsabay ni Oreo a tila nandon siya sa venue ay okay lang.

"Patugtog muna tayo Oreo, tapos sabayan natin."

"E! Nood pa tayo. "

"De, break muna. Kapag after ng fliptop, isang kanta okay?"

"Sige na nga!"

"Eto, *Perfect by Leroy Sanchez* "

Enjoy na enjoy ako sa pagkanta ng marinig ko ang paghikbi niya.

"Bakit?!"

"Yan yung tugtog noong araw na sinagot ko siya tapos hawak niya yung kamay ko habang kumakanta. Yan mismo." *sniff* *sniff*

"Hala! Sorry. Patayin ko na."Nakakaloka! Di naman sinabi ni Oreo, pinaabot pa niyang chorus.

"Hindi ka ba napapagod na umiyak?"

"Pagod na pagod na."

"Di ka ba napagod magmahal? E bakit kapag nagjojoke ang isang tao tapos paulit-ulit na lang, di ka na natatawa pero bakit kapag nasasaktan, kahit paulit-ulit parang di naman tayo napapagod?"

"Kasi yung sakit, andito e." Turo niya sa puso niya. "Yung pagmamahal na nakaukit sa puso ko, yung joke naman saglit ka lang pasasayahin pero siya, binuo niya ko, sobra niya akong pinasaya kaya kahit paulit-ulit yung sakit, paulit-ulit kong nararamdaman yung sugat, mahal ko pa rin siya. Hindi naman nakakapagod magmahal, nakakapagod lang ang masaktan, sa tingin ko, hindi pa ako napapagod kasi kung pagod na ako titigil na ako diba?"

"Bakit ka ba nagsstay? Oreo, palayain mo na yung sarili mo. Ilang buwan na kayong ganyan. Di ka ba napapagod sa set-up niyo?"

"Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa binibitawan yung pagkakakapit ko sa kanya. Kaya ako nagsstay hindi lang dahil mahal ko, dahil tanga ako. Tanga akong umaasa na babalik yung dating Ricci, tanga ako dahil kahit nararamdaman kong bumibitaw na siya sa pagkapit, eto pa rin ako buong kamay na hahawak." Pinunasan niya yung takas na luha sa mga mata niya.

"Mahirap pala talagang kalaban yung pangarap, kasi alam mo mismo sa sarili mo na talo ka. Malabo kang manalo." Tumungo siya at tumingin sa phone niya na ang wallpaper ay sila ni Ricci, nakayakap si Ricci kay Oreo at nakasimangot si Oreo, samantalang si Ricci, wagas ang ngiti.

"Kapag kasi nakikita ko siya, iba yung ngiti niya, kagaya nito." Tukoy niya sa wallpaper niya.

"Ibig sabihin masaya siya sa kung anong meron siya, sa kung anong naaabot niya. Okay na ako don, kahit hindi ako yung dahilan kung bakit siya masaya. Masaya na ako kapag masaya siya. Magagawa ko bang hadlangan yung bagay na nakakapagpasaya sa kanya?" Tumulo ang mga luha ni Oreo sa phone niya.


Ilang buwan na siyang ganto, ilang buwan na siyang umiiyak, ilang buwan ng nagtitiis kay Ricci. Naaabot nga ni Ricci yung pangarap niya pero unti-unting nawawala yung babaeng mahal na mahal siya.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now