Forty-Four

299 6 0
                                    

Kasabay ng pagpikit, at ang pagpunas ng luha, masakit.
Ang pagbitiw ng kamay na nakakapit, habang ang puso'y humihigpit.
Sarado na, ang susing hindi na alam kung saan napunta.
Ang susing iiwan ko na.




Yung araw na huling nag-usap kami ay hindi ko inakala yung huling beses kong makikita siya, huling beses ko na makakausap siya.

Akala ko hindi siya aalis, kasi yun yung narinig ko. Hindi niya kayang mawalay sa mga kaibigan niya pero akala ko lang pala yun. Baka sobra ko siyang nasaktan kaya mas pinili niya na talaga akong iwan. Susuyuin ko pa siya, sabi ko na gagawa ako ng paraan para bumalik siya sa akin. Oo, nagkamali ako, tao lang din naman ako. Gusto ko lang abutin yung pangarap ko, naabot ko na pero nawala naman siya. Si Bea? Sabihin na rin nating nagkamali ako, inentertain ko yung company niya kahit may girlfriend ako pero siya yung palaging andyan noong kailangan ko si Oreo pero hindi ko alam na may ginagawa pala si Oreo para sa akin. Tama nga sila, sobrang bulag ko. Nagsisisi na ako, huli na ba ang lahat para sa amin? Para sa babaeng mahal ko?

------

"Kasalanan mo to! Kung sana nakipagbreak ka na agad, edi sana hindi aalis si Oreo!"

"I'm sorry."

"Sorry? Mapapastay ba diyan si Oreo? Tangina! Iniwan kami ng kaibigan namin dahil sayo! Bakit ba kasi nakarating pa kila tita e."

Yan yung araw na sumugod yung tropa ni Oreo sa dorm ko at nalaman kong si Bea ang nagsabi kila tita, hindi ko alam paano sinabi o kung siya mismo basta sa kanya galing.

Kung hindi lang babae si Bea baka sinapak ko na yun.

Nagpunta ako sa bahay nila Oreo baka sakaling tinatago lang siya ng mga kuya niya pero sapak lang ni Gray yung natanggap ko. Deserve ko naman yun.

"Ang lakas ng loob mong pumunta dito!" Naramdaman ko ang pagdugo ng labi ko sa suntok niya. Tama nga si Brent, lumalaban ng underground yung mga kapatid ni Oreo.

"Kuya tama na." Ayaw ni Black sa kanya.

"Gray! Sa tingin mo ba matutuwa si Oreo sa ginawa mo?" Nakita ko ang paglabas ng tatlo lang pang kapatid ni Oreo. Si kuya Blue, Red at Green.

"Gray, sinabihan na tayo ni Oreo na wag saktan si Ricci kahit na anong mangyari." Wika ni kuya Blue.

"Wala naman si Oreo kaya tangina mo, Ricci! Sinama na nila mama yung kapatid ko, yung prinsesa namin! Subukan mo lang magpakita sa akin ulit, malulumpo ka."

"Tara na, Ricci." Alalay sa akin ni Black.

"Sorry Ricci."

"Hindi, sorry sa inyo. Di pa sapat yung sorry pero patawarin niyo ko, mahal ko talaga si Oreo."

"Kay Oreo ka dapat nanghihingi ng tawad, siya ang pinakanasaktan mo. Kung mahal mo, palayain mo, kasi malay natin, pag nagkita ulit kayo, pwede na."

"Salamat Black." Nginitian na ako nito at pumasok na sa bahay nila.

Sunod kong pinuntahan sila Res sa condo, sabi nila Brent, lahat sila andon. Alam kong mabubugbog ako don pero gusto kong manghingi ng tawad.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now