Thirty-Six

231 5 0
                                    

Nakakapagod na alalahanin yung tapos na,
samantalang ikaw nihindi mo na nga yata ako naaalala.
Nakakapagod na palagi akong naghahabol,
samantalagang ikaw ay palaging tumatakbo.
Nakakapagod na lang na palagi kitang hawak,
pero palagi ka ring bumibitaw.





"Ry, di ako makakapunta kasi nagkaayaan yung mga bago kong teammates e. Sorry."

"Ah okay lang Ri, enjoy kayo. Chat mo na lang ako pag nakauwi ka na."

Nasa bahay kami nila Oreo dahil ang mga kuya niya ay wala dito, samahan daw muna namin siya saglit habang di pa nadating si Ricci pero mukhang buong araw kaming andito dahil di na makakadating yung boyfriend niya.

"Ilang linggo ng ganyan si Ricci ah?" Wika ni Pancake.

"Oo nga Eo?" Sang-ayon ni Chips.

"Di naman araw-araw. Okay lang yun." Malungkot niyang pahayag kahit pa nakangiti siya.

"Hindi nga pero ilang beses sa isang linggo, minsan na nga lang kayo magkita kasi busy kayo pareho tapos icacancel niya pa. Halos araw-araw na nga silang magkakasama ng mga kateammates niya e." Pahayag ni Malkist.

"Baka urgent talaga yung mga ginagawa niya." Saad ko dahil baka lalong malungkot si Oreo.

"Guys, nood na lang tayo movies!" Anyaya ni Cookie.

Nagkuhaan sila ng pagkain sa kusina. Si Oreo at ako na lang yung naiwan.

"Ore--"

"Okay lang ako Spicy, wag mo ng alalahanin."

"Sure?"

"Oo naman. Mahal niya yung ginagawa niya at support ako sa kanya."

Ngumiti lang ako dahil wala akong matinong sasabihin dito.

Nasa kalagitnaan na kami ng "Can't help..." kineme ng biglang magsalita si Oreo.

"Namimiss ko na si Ricci." Habang nakatingin sa phone niya.

Pinause ni Cookie yung palabas at humarap kami lahat sa kanya.

"Ang selfish ko ba kung gusto kong manghingi ng oras sa taong mahal ko?"

Walang nagsalita niisa sa amin.

"Tatlong buwan na kaming ganto ni Ricci. Tatlong buwan na kong sabik sa kanya. Gusto ko lang naman na kahit isang buong araw lang, kami lang yung iniisip niya. Kami lang yung magkasama, pero kapag magkasama naman kami tila may hinahabol siyang oras kasi may training pa siya. Naiintindihan ko naman na responsibilidad niya yun, na marami siyang gustong patunayan sa sarili niya at sa mga nangmaliit sa kaniya." Humikbi siya kaya lumapit kami lahat sa kanya.

Wala pa rin nagsalita dahil gusto ang namin na pakinggan muna ang hinaing niya para gumaan loob niya. Sa loob ng tatlong buwan, mukha siyang masaya at tila walang iniinda.

"Wala man lang kalahating araw na magkasama kami tapos pag sabado, kasama niya pa din yung mga teammates niya, pag linggo syempre pamilya niya. Naiintindihan ko naman pero kahit isang sabado lang gusto ko ako naman muna yung piliin niya kasi araw-araw naman niya kasama yung mga teammates niya."

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now