Thirty-Four

261 4 0
                                    

Ito na yata ang hudyat para pumasok,
Hudyat para isara ang pintong binuksan para makita ang bituin,
Para makasama,
Pero lahat ay may katapusan,
Siguro nga kailagan ng isarado,
Di na titingalain ang bituin,
Di na mararamdaman ang ulang malamig,
Sapagkat isasara na ng tuluyan,
Ang pinto.... patungo sayo.






"Omygaaaasshhh! Sinabi niya talaga sayo yun? As in kagabi? Sayo talaga?"

"Mukha ba akong nagjojoke?"

Kasalukuyan kaming andito sa kwarto ko dahil mababaliw na ako kaisip kay Ricci. Mga pinagsasabi kasi e.


"So ano? Umamin ka ba? Ituloy mo na!" Inalog-alog pa ako ni Spicy.

"Bakit ako aamin?"

"Tanga! Para maging kayo na! Omg!"

"Baka nagjojoke lang yun? Ayaw ko masaktan na naman."

"Minsan, sobrang negative mo. Nakakaloka ka!" Sabay punta niya sa may lalagyanan ng pagkain ko. Kabisado e.

"Minsan, ang patay gutom mo. Iniba ko na yan ng pwesto e."

"Ay ganon? Di halata. So ano na Oreo? Papakawalan mo ba ang isang Ricci Rivero?"

"Uhm, pag-isipan ko."

Binatukan naman ako nito, "Huwaw! Edi ikaw na maganda!" Medyo natapon pa yung pira-pirasong stick-o dahil sa pagtaas ng kamay niya.

"Naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko, oo gusto ko na pero sapat ba yun para pumasok sa isang relasyon?"

"Andami mo palaging pangkontra. Just go with the flow! Kung anong mangyari, mangyayari."

"E maaapektuhan yung buhay ko ng mga desisyon ko sa buhay. Mahirap magkamali." Paliwanag ko.

"Di pa nga nangyayari, pinoproblema mo na. Nasan na yung chill na Oreo? Nasan na yung 'bahala na kung anong mangyayari at least tinry ko' na ikaw?"

"Mahirap kasi kung paulit-ulit na lang yung mangyayari. Natuto na ako."

"Take the risk or lose the chance? Noon, lagi mong sinasayang yung pagkakataon, katulad niyo ni Dj. Ano ganon pa din ba? Wala na bang bago diyan Oreo?"

"Di ko na alam." Naguguluhan na ako.

"Di ka naman magkakaganyan kung wala lang sayo si Ricci diba? Di ka maguguluhan kung di mo din kinoconsider yung sinabi niya kagabi. So I guess, may chance?"

"Ewan! Ayaw ko muna isipin yan."

"So lalayuan mo?"

"Ha? Bakit ko la---" Di ko pa man natatapos yung sinasabi ko inginud-ngod na ni Spicy yung hintuturo niya sa akin.

"Kilala kita Oreo! Pag may umaamin sayo, nilalayuan mo kasi ayaw mo makasakit pero ang pinagkaiba ng case ngayon sa case noon ay gusto mo si Ricci pero dahil takot kang masaktan, lalayuan mo yun. Diba? Diba?"

"Di ko pa alam."

"Pero nasa option mo yun diba?"

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now