She

292 4 0
                                    

Napapaisip na lang ako kung paano kung kumapit pa ako? Paano kung hindi ako sumuko? Kami kaya? Kami pa ba? Ako pa ba? Ako pa rin ba?

Pero hindi, pareho kaming sumuko, pareho kaming napagod, pareho kaming hindi lumaban.

Marami akong natutunan noong makilala ko siya, marami akong nalaman, na may isang bagay na kahit gustong gusto mong hawakan ay kailangan mo ng bitawan.

Siya ang nagturo sa akin kung paano magmahal, kung paano magpatawad, kung paano magsakripisyo.

Siya ang nagpatunay na hindi lahat ng paglubog ng araw ay ang katapusan, darating pa rin ang kinabukasan dahil may panibagong araw.

Siya ang nagsilbing liwanag sa gabi ng dilim, kumikislap at panay ang kinang.

Pero napundi, napagod, nagsawa. Baka hindi lang talaga kami para sa isa't isa. Dumaan lang siya upang magbigay ng aral pero blessing siya para sa iba. Nagkasalubong, nagkita pero hindi nanatili.

Marami akong lesson na natutunan ng dahil sa kanya. Pero baka nga hindi siya para sa akin. Baka nga pinagtagpo lang kami pero hindi itinadhana. Baka nga isa din kami sa napaglaruan ng tadhana.

"Ah Miss Oreo, uulitin ko po, ano pong inspiration niyo sa pagkuha ng litrato?"

"May pinanghuhugutan ba ito? At bakit stars ang napili mo para ipakita sa exhibit?"

Napangiti ako. Hindi ano, sino, "Bakit nga ba stars? May nagsabi kasi sa akin na kahit malayo sila, palagi pa din silang andyan, sila ang nagbibigay ng kinang sa gabing madilim."

"Etong gawa ko ay para sa ex ko." Dagdag ko pa.

"Oh, pwede ba naming malaman kung sino yon? Tutal ex mo naman na, may guess na ako pero gusto ko sayo manggaling." Halakhak niya.

"He is the great Ricci Rivero." Ngiti ko sa kanila.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ