Forty-Three

266 6 0
                                    

Tapos na, ang pakikipaglaban.
Tapos na, ang pakikipaggaguhan.
Tapos na, ang pagpaparamdam ng sakit at pighati,
Natapos na sa bawat hikbi tuwing gabi.
Tapos na, ang pagbabahagi ng iba't-ibang musika.
Ubos na, ang noong umaapaw na pasensya.
Tinapos ko na, dahil hindi na kinakaya.




"Ayaw ko tumira don ma!"

"Anak, mag-aaral ka lang doon. Tatlong taon na lang naman."

"Ma, ayaw ko mahiwalay sa mga kaibigan ko."

"May internet naman don, makakausap mo pa din sila."

"Ma, iba yung kausap sa mismong kasama ko sila."

Kasalukuyan kaming nasa sala nila mama at papa, sila kuya nasa kusina lahat. Pinipilit nila ako na sumama sa kanila sa Palawan dahil doon sila nakabase ngayon.

"Ma, tatlong taon? Di ko kaya yun!"

"Mabilis lang ang tatlong taon, anak."

"Pa, ayaw ko nga!"

"Anak, doon mababantayan ka namin tapos nalaman ko yung sa inyo ng boyfriend mo?"

"Hindi ko naman po kailangan ng bantay at yung kay Ricci, normal lang yun sa isang relasyon, naghihiwalay. Baka di lang po kami para sa isa't-isa kaya hindi ko na po kailangan umalis."

"Mas mapapabilis ang recovery mo."

"Ma, hindi ako nagkasakit, broken lang pero okay naman ako. Hindi ko kailangan alisan yung problema, kailangan ko yung maramdaman para maghilom. Pa, kaya ko naman."

"At least don bagong taong makakasalamuha. Makakatulong yun kagaya ng sa kuya mo."

"Ma, magsasabi naman ako kapag kailangan ko talaga. Ako na po mismo pupunta don, kapag hindi ko na kaya."

"Pag-isipan mong mabuti anak."

"Ma, ayaw ko talaga." Lumabas na ako ng bahay kasi aalis pa kami para manood ng laro nila Aljun.

Nakakabadtrip! Kagabi pa nila ako kinukulit na sumama sa kanila. Ayaw ko nga!

"Tara sakay na. Antagal mo naman!"

Sumakay na ako at isinaksak yung earphones sa tenga ko. Kailangan kong magpalamig ng ulo dahil lahat ng tao sa paligid ko, madadamay sa kabadtripan ko.

Mabilis lang akong nakarating sa San Juan, di ko alam kung mabilis o sadyang badtrip lang ako kaya hindi ko naramdaman yung byahe.

Pinapasok kami agad dahil ay sumundo sa amin na kakilala nila Aljun, kumpleto kaming anim at yung kapatid ni Cookie, yung nagdrive.

At kapag sineswerte ka nga naman! Andito lang naman si Ricci at si Bea. Di man lang pinaabot ng 3 months para naman diba? Sakit sa mata ha!

Tinaggal ni Aljun yun earphones ko at bumulong, "Di ko alam na pupunta yan. Nagulat lang din ako, sinama pa talaga."

"Oks lang. Masasanay din ako."

NagPSP ako dahil napaaga yata ang dating namin dahil kami-kami pa pang ang tao, mukhang hindi pa nagpapapasok ng mga audience.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now