Thirty-Three

249 8 0
                                    

Dumidilim ang kalangitan,
Tila bubuhos na naman ang ulan,
Kung ang dating gabi na ating pinagsamahan,
Ay puno ng kasiyahan,
Ngayon ay nakatayo na lang ako, kung saan mo ko binitawan.





"Good morning sunshine!!!!" Nagising ako sa sigaw ng epal. Pagmulat ko mukha ni Aljun, Jollo at Brent ang bumungad sakin.

"Sakit niyo sa mata! Pambungad amp." Nakatulog pala ako sa upuan at nakasandal ang ulo sa pinaghihigaan ni Ricci tapos nakabaling ang ulo ko sa may pagpasok o paglabas ng tao kaya pambungad ang tatlo tapos nakatingin sila sa akin, nakatitig pala rather.

"Ang ingay!" Reklamo ni Ricci.

"Sakit ng leeg ko puta!" Reklamo ko din.

"Bakit kasi diyan ka natulog? Pwede namang tabi kayo." Sumingit ang mata ni Brent, ay! Singkit na pala.

"Bakit kasi walang nagmagandang loob na ihiga ako dito." Sabay turo ko sa kama.

"Bakit kasi di ka nagkusa? Ano ka lasing din?" Epal ni Jollo.

"Bakit bawal bang mapagod?"

"Bakit ang ingay niyo?" Napatingin kami kay Ricci.

"Bakit ka kasi naglasing pre?" Balik tanong ni Aljun.

"Sabi kasi chill lang pero ang gago tinungga lahat ng inumin." Natatawang pahayag ni Brent.

Biglang umilaw yung phone na nakapatong sa lamesa, nakita ko ang pagappear ng pangalan ni Spicy sa phone ko.

"Sagutin ko lang." Paalam ko sa kanila at lumayo ng konti.

"Oreo! Nasan ka ba? Kagabi pa kami tumatawag ah?----salubong natin Oreo uy!---- ikaw lang wala pakyu ka----" Dinig ko ang boses ni Spicy, sunod ni Pancake at Guel.

"Salubong san?"

"Sa birthday ni Dj----parang di natin to ginagawa Oreo ah?----pinsan, nagtatampo si Dj----" Fuck! Birthday nga pala non? Sumasalubong kami sa lahat ng birthday. Lagot!

"Hala! Nakalimutan ko. Nagkaemergency kasi kagabi e. Kailangan ko lang puntahan."

"Ikaw ang wala----ang lungkot sobra ni Dj kasi di daw tayo kumpleto."  Pangongonsenya ni Zy at Ret.

"Hala sorry! Nasan na siya? Bawi ako promise. Puntahan ko." Nagkandagulo gulo kasi kagabi e.

"Dj, kausapin ka ni Oreo huy... para kang bata... lika dito----bala siya diyan---may ginawa lang impornate kagabi---na mas importance pa satin---Lika muna kasi dito---" Niloud speaker yata ni Guel. Daming may hawak ng phone ni Spicy ah.

"Hello---"

"Oreo! Kain na tayo. Gutom na kami e."

"Ah kaya pala hahaha Sige okay lang. Enjoy ka diyan."

"Wait Dj!---" Binabaan niya na ako.

Tumigil sila sa harap ko at nagtataka ang mga hitsura.

"Kailangan ko na umuwi."

"Hatid ka na namin pero kain muna tayo." Saad ni Brent.

"Kasi birthday pala ni Dj ngayon--"

"Ngayon pa pala e, aabot ka pa." Wika ni Aljun.

"Hindi, sumasalubong kasi kami kapag birthday ng isang tropa. Dapat pala umuwi na ako kagabi." Napayuko ako dahil feeling ko ang sama kong tropa.

"Ah ganon ba? Dapat di ka na lang pumunta" May bahid na yamot na sabi ni Ricci.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now