Ten

419 3 0
                                    

Tuwing gabi, laging alaala,
Sumapit na naman ang gabi na hindi ka kasama, gabi-gabing naghihintay baka sakaling babalik ka, pero heto na naman ang gabi pinapaalalang wala na talaga.




"GOOD MORNING EVERY CITIZEN HERE AT TANAY RIZAL!" Sigaw ni Aljun na sa palagay ko ay nasa tent nila.

"Tangina." Bulong ko.

"Huy, gising na. Kailangan na natin kilalanin ang isa't isa." Pangungulit sakin.

"Sshhh, mamaya na."

"Anong mamaya na?! Hoy! Lahat po ng tropa mo ligo na, ikaw na lang hindi."

"Pake ko?" Antok kong sabi.

"Gusto mo bang matalo tayo? Manlilibre tayo hoy!"

Parang nagising yung katawang lupa ko at napatayo ng mabilis pero gago! Ang sakit. Nagkauntugan kami ni Ricci.

"Aray!"
"Arouch!" Sabay naming sabi.

"Bakit ba kasi andyan ka?!" Tanong ko.

"Malamang gigisingin kita. Ikaw lang kilala kong babae na ganyan, di ka man lang nahiya na baka may muta ka pa o laway."

"Normal lang naman yon. Bakit ako mahihiya? Bakit ikaw ba hindi ganon?" Taray ko.

"E bat ka nagagalit?"

"Ang aga aga e. May pagkain na ba don?" Tanong ko habang nag-aayos ng pinaghigaan at tama siya ako na lang ang nandito, syempre pati siya.

"Nahulaan ko na yang itatanong mo, kaya nagdala na ko at baka maubusan ka na naman. Oh tara na kain na tayo."

Kakainin ko na yung dala niyang tocino at fried rice ng pigilan niya yung kamay ko, "Magmumog ka kaya muna?"

"Wag na! Gutom na ko e." Maktol ko.

Isusubo ko na ulit nang, "Toothbrush?"

"Puta! Ayaw mo ba kong pakainin? Dami mo pang pahap---" Natigil ako ng subuan niya ko galing sa pagkain niya.

"Ang aga! Ang ingay mo."

Tinarayan ko na lang at dahil gutom na ko, sinunod sunod ko yung subo ko kaya nabulununan ako.

"May humahabol ba sayo? Bat ka nagmamadali?" Tanong niya.

"Tu...bi...g" mangiyak ngiyak kong sabi.

"Ayan kasi, pwede naman maghinay hinay."

Pinaghahampas ko naman siya gamit ang isa kong kamay at ang isa ay pinangpapalo ko ng dibdib.

Siya na nagpainom sakin ng hot chocolate na dala niya, na ginawa akong baby sa paraan ng pagpapainom niya.

"Salamat."

"Maghinay hinay ka naman, pwede?"

Tumango na lang ako at sabay kain na ulit.

Nang matapos kaming kumain ay napagpasyahan na naming maligo, oo sabay kami. Pero wag kayong maharot! Sabay kami pero magkaiba kaming cr na papasukan.

Nang ako ay matapos ng maligo, oo ako pa nauna, daming ritwal nitong si Ricci.

"Hoy ang tagal mo naman! Kung ano ng kababalaghan ang pinaggagawa mo diyan!"

"Gago! Pinagsasabi mo? Ipasok kita dito e."

"Pakyu! Ano ako kaladkarin? Tss, bilisan mo na diyan."

Mukhang maaga pa naman dahil parang gabi pa din sa lugar na to tapos puta ang lamig.

"Hoy kupal! Ang lamig kaya dito baka gusto mo ng lumabas diyan?" Sigaw ko.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now