Nine

343 3 0
                                    

Di na nga tayo magkakatagpong muli, parang ang pagsasabay ng umaga at gabi, malabong mangyari.




"Oreo, tara na. Andon na sila."

"Oh Ricci, bat andito ka?"

"Nakita ko kasing nakabalik na sila tapos ikaw na lang wala, kaya hinanap ka namin. Sorry nga pala sa inasal namin kanina."

"Sorry din, wala ka namang ginawa, nagsigawan pa kita." Hingi ko ng tawad dito.

Tahimik kaming naglalakad ng basagin ko ang katahimikan, di kasi ako sanay ng tahimik kaya nagtanong na lang ako sa kanya.

"Bakit parang sobrang concern ni Andrei kay Eunice?"

"Ah kasi alam ko mahal pa yata ni Andrei itong si Eunice tapos si Eunice hindi na yata."

"E mukhang ikaw yung gustong makuha e."

"Wow ang gwapo ko naman." Tanggi niya. Di ba siya aware na andaming nagkakandarapa sa kanya?

"Di mo ba bet?"

"Ah, hindi e. Di ko siya type."

"Ah."

Natahimik naman ako kasi wala lang, wala na kong masabi e. Narealize kong hawak niya pa din ang kamay ko kaya inalis ko dahil kawawa naman siya, pasmado pa naman ako.

Naramdaman niyang inalis ko ang hawak niya sa akin, "Ah e, pasmado kasi hehehe."

"Ilang araw ba tayo dito?" Tanong ko.

"3 days and 4 nights? Bakit? Gusto mo na umuwi?"

"Ah hindi naman, baka kasi may pasok kami?"

"Ah wala daw kayong pasok, isang linggong pahinga kasi kakatapos lang ng fair niyo diba?"

"Ay oo nga pala." Natatawa kong sagot

"Napaghahalatang di ka pumapasok ah?"

"Di ah! Makakalimutin kasi ako." Depensa ko naman.

"Weh? Talaga ba?"

"Oo ah! Kala mo sakin tamad?"

"Bakit hindi ba?"

"Gago! Oo na tamad na ko."

"Halata naman e, di ka nga nagsusuklay magmula ng dumating tayo dito." Sabay hawi sa buhok ko na parang sinusuklay.

"Nagsusuklay ako, lagi ko ngang dala to e." Sabay pakita ko ng suklay ko.

"Dala nga, di naman nagagamit." Asar niya.

"Ikaw nga, di marunong magbrief!" Sigaw ko dito sabay belat.

"Ay ikaw ha! Pano mo nasabi yan?"

"Nakita ko kasi yung  kumalat mong pic na may Appeton."

"So tinignan mo?" Mapanuri niyang tanong.

"Hindi ah! Ipinakita kasi sakin."

"Kakasabi mo lang kanina na nakita mo."

"Wala naman akong sinabi na tinignan ko, duh!"

"De wala! Wala!" Asar niya.

Nang dumating kami sa tent namin, napansin naming hati ang Archers, si Aljun, Prince at Kib ay sa tropa ko. Sa kabila, sa side nila Eunice ay si Andrei, Brent, Jollo.

Syempre deretso ako sa tropa ko, sumama din naman sa akin si Ricci. Bale dalawa yung bonfire na medyo magkalayo pero di naman sobra. Sapat lang para magkaroon ng distansya mula sa isa't isa.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now