Twenty-Eight

246 3 0
                                    

Magkahawak ang ating kamay,
Magkasamang naglalakbay,
Bakit ang kamay mo'y dumudulas?
Bakit kumakalas?
Gusto mo ba munang magpahinga?
Pagod ka na ba?
Hihinto saglit,
Pero huwag kang bibitiw
Huwag mo kong iwan, aking giliw











"Hoy Oreo! Si Ricci." Biglang kalabit sa akin ni Spicy ng pababa kaming hagdanan.

"Ha? Anong meron?"

"Ampogi niya sa IG story niya"

"Ha? Pogi naman talaga siya e."

"Ayon! Inamin din."

"Ha? Anong alin? Di ko naman dineny na pogi siya ah?"

"Ay oo nga no?"

"San ba tayo pupunta?

"Pero may nabasa din akong mga tweets about sa kanya." Di niya sinagot yung tanong ko.

"Oh anong sabi?"

"Nakakaiyak nga e, na may nangbabash sa kanya tapos yung issue about sa manager niya tapos sa pag-alis ng ibang fans don sa fandom nila."

"Ay hala! Anong comment niya?"

"Ayon sa nabasa ko, nawala kasi e kaya di ko nasave. Nagtanong siya kung paano daw pagumalis na siya sa la salle? Susuportahan pa din ba siya?"

"And?"

"Kasi nababasa yung mga hate comments sa kanya tapos gusto na nga daw ni Ricci alisin yung mga social media accounts niya kaso yun na lang daw yung parang access ng fans sa kanya, not talagang access? Gets mo? Hirap iexplain! Bakit kasi di ko nasave sa phone e."

"Shet! Naaawa ako kay Ricci, mahirap talaga maging sikat. Wait tawagan ko lang."

Balak kong tawagan si Ricci kaso bigla naman akong pinigilan ni Spicy.

"Mas okay siguro kung personal mo siyang kakausapin para macomfort mo siya kung sakaling umiyak siya."

"Ah e, puntahan ko kaya?"

"Alam mo ba bahay? At wala nga diyan. Nasa beach sila, check mo kaya IG niya."

"Ay ganon? Edi tawag na lang talaga."

"Huwag! Nagsasaya siya don tapos bigla niyang maaalala yung issue kasi magtatanong ka, edi masasad lalo yun. Time out muna sa stress."

"Ah oo nga no? Kamusta kaya si Ricci ngayon? Okay lang kaya siya? Kaya pala di siya nagchachat or something magmula kahapon."

Kaya pala walang paramdam si baliw kahapon, bukod sa tulog ako maghapon kahapon kaya di ko nacheck yung phone ko pero pagcheck ko nong gabi, wala din kaya di ko na ginulo, baka busy. Tama naman ako dahil umalis pala sila.

Sa sobrang pagod at antok ako nong nakaraang araw ay binawi ko yun kahapon. Kung ichachat ko naman baka nga masira ko yung bakasyon niya don? Hintayin ko na lang yung chat niya.

"Oreo! Pasok na tayo sabi ko!"

"Ah ha?" Nawala ako sa wisyo, napagtanto ko na nasa harap na pala kami ng 7/11 dahil nagccrave daw siya sa Slurpee kaya sinamahan ko kasi binlackmail niya ko, sasabihin niya daw sa tropa na crush ko si Ricci. True friend talaga!

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum