He

288 5 0
                                    

Hindi ko naman siya tipo. Hindi siya yung pangrampa. Hindi siya yung pangangas sa tropa. Hindi siya yung tipong babalikan mo ng tingin.

Kasi siya? Siya lang naman yung babaeng effortless magpatawa. Siya yung babaeng walang pake sa kanyang hitsura. Siya yung babaeng mas lalaki pa sa akin. Siya yung babaeng panlalaki pumorma. Siya yung babaeng palaban na handang makipagsapakan. Siya yung babaeng kundi puro mura yung lumalabas sa bibig e pagkain naman ang isusubo. Siya yung babaeng mas mahalaga pa yung pagkain niya kesa sa kahit anong bagay na meron siya pero hindi ko inakala na may mas hahalaga pa pala sa pagkain niya, ako.

Siya yung nagturo na, live your life to the fullest. Hindi mo alam kung hanggang kailan ka ba dito. Na gumawa ng mabuti kahit masama ang ibinabalik sayo. Palaban siya kapag kailangan, aayawin niya lahat ng aaway sayo.

Siya yung nagparamdam sakin na tatanggapin niya ko kahit hindi ako yung Ricci na kilala ng mga tao.

Hindi siya ganon kasweet katulad ng mga ibang babae pero napakasupportive niya at caring, hindi siya kagaya ng pagbabawalan ka dahil hindi ko naman daw siya nanay, siya pa tong pumipilit sakin para magchill, sumama kila Brent para mag-inom, grabe yung tiwala niya. Ipaparamdam niya na palagi kang panalo, patatahanin ka niya kapag talo. Hindi siya nagagalit pag natulugan mo siya dahil pagod sa training. Kakantahan ka niya kapag nalulungkot ka.

Marami akong lesson na natutunan ng dahil sa kanya. Pero baka nga hindi siya para sa akin. Baka nga pinagtagpo lang kami pero hindi itinadhana. Baka nga isa din kami sa napaglaruan ng tadhana.

"Ricci, sinong inspirasyon mo sa dumaang seasons? At nagchachampion kayo plus isa ka sa players ng national team at umuusbong yung karera mo. Congrats!"

"Thank you! Ang inspirasyon ko ay ang aking pamilya syempre at yung babaeng nagsabi sakin na 'manalo matalo, cute pa rin kami.' Ginawa ko to, dahil noong kami pa, nagchampion nga kami nong lumipat ako sa team namin, natalo naman ako pagdating sa kanya kasi binalewala ko yung katulad niya."

"Anong ibig mong sabihin sa 'noong kami pa,' meaning wala na kayo?"

"Yup, wala na kami."

"Pwede ba naming malaman kung sino yan?"

"Strawberry Oreo Santiago." Ngiti ko sa camera.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now