Thirty

278 3 0
                                    

Umalis ka,
Wala na,
Sayang ang paghihintay ng bituin sa pagsilip,
Sayang ang paghihintay ng butuin sa pagbabalik,
Sayang ang paghawak ng mahigpit, dahil ang dating magkadikit,
Ay gusto ng kumalas sa pagkapit










Ugh! Sakit ng ulo ko. Bakit dito ako sa kusina nakatulog? Hawak ko din ang phone ko, ay gago! Bakit may minutes na tawagan from Ricci? Hayaan na nga! Lipat na ako kwarto, antok pa ko.

"Oreo, san ka pa pupunta?" Tanong ni Chips ng papasok na ako sa kwarto.

"Tutulog? Kwarto to diba?"

"Tange! Paakyat na sila Brent."

"Oh ano naman? Nasakin ba yung hagdan?"

"Maligo ka na, sabog na sabog ka oh!"

"Mamaya na!" Sabay pasok ko sa kwarto, humilata na ako kasi pake ko sa dadating? Sila Brent lang nam-- Ha?! Sila Brent? So meaning si Ricci din?

"Pre! Musta?" Dinig kong tanong ni Brent sa kung kanino.

"Hi Malkist?" Dinig kong bating alinlangan ni Aljun.

"Asan si Oreo?" Shet! Si Ricci!


Lalabas ba ko? Magkukunwareng tulog? Shet! Di pa ko naliligo baka maamoy non yung alak, papagalitan ako non.

"Ah nasa kwarto Ricci." Dinig kong sagot ni Chips. Ugh!

"Wait! Ako na tatawag." Presenta ni Spicy.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at hudyat na may pumasok dito.

"Oreo, tumayo ka na diyan! Andyan na yung namimiss mo."

"Ayaw ko! At sino nagsabi na namimiss ko yun?"

"Ikaw? Sinabi mo pa mismo sa kanya." Huh? Ako? Sinabi ko?

"Di ko gets."

"Kagabi, kausap ko si Ricci kasi tumatawag siya sa phone mo na naiwan mo sa kusina tapos nong galing kay cr bigla mong tinanong kung sino kausap ko tas kinuha mo kasi sabi mo phone mo yun tas sinabi mo na miss mo siya tas uwi na siya at gusto mo na siya makita. Ganyan ka pala magsabi kapag lasing! Sweet mo bigla e."

"Bakit mo ibinigay yung phone sakin kagabi?"

"E ayaw mo ngang bitawan, baka mabasag pa pag nakipag-agawan ako tas ipabayad mo pa sakin, wag na uy!"

"Fck! Ano bang pinaggagawa ko?"

Tumayo na ako at magpretend na lang na walang nangyaring ganon kagabi.

"Di ka man lang maliligo muna?"

"Oks na yan! Issuehan pa na talagang nag-ayos muna ko for Ricci."


Binuksan ko na yung pinto at tumambad sakin ang nagtatawanang sila Brent, Ricci, Pancake, Chips, Cookie, Guel, Zy, Res at Ret. Nasaan si Aljun at Malkist? Nasa kusina si Ty, Dj at Prince.

"Ayan na pala si Oreo e! Just woke up face ah no?" Pansin sa akin ni Brent.

"Aga aga Brent ah!"

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now