Last

283 3 0
                                    

Gumawa ako ng mga tula, na nagpapaalala sayo sinta,
ibig ko lang ipadama,
na minsan naramdaman ko ang iyong pagpapahalaga



¤Noong gabi ng sabay nating nasulyapan ang kalangitan,
Noong gabing ang aking kamay ang hawakan,
Noong gabing nakilala kita ng lubusan,
At ang huling gabi at ang iyong paglisan.

¤Ang unang gabing nagtanong ka sa bituin,
Ang gabing wala tayong nakita para isa-isahin.
Dahil ang mga bituin na hinahanap ko ay nasa aking tabi,
Napakataas, hindi kayang abutin.

¤Ang iyong ngiting kasing kinang ng bituin sa gabi,
Ang iyong matang kasing ganda ng paglubog ng araw
Ang lahat ng bagay sa iyo na parang pagsikat ng araw sa umaga, nakakamangha, kakaiba sa aking mga nakilala.

¤Ang gabing nagsilbi sa atin ng liwanag,
Ang gabing kitang langit sa kinang,
Ang gabing unti-unting naglalaho, unti-unting nagbabago,
Ang gabing lumalabo.

¤Dumilim, wala ng bituin.
Ang pagbuhos ng ulan, masakit.
Ang gabing ng iyong paglisan,
Ang katapusan ng ating istorya.

¤Dahil ang nagdaang gabing may liwanag ay napundi,
Ang gabing para sa ating dalawa
ay may sumali,
Na sa paglipas ng mga gabing hinihintay kita, ang siyang pagdating mo sa iba.

¤Hindi ka na nga babalik,
Hindi ka na nga makikita pang muli,
Napalitan na nga ng araw ang gabi,
Wala ka na, wala ka na sa aking tabi.


¤¤¤¤¤¤
Hanggang dito na lang.
Palaging nakasulyap,
Hanggang tingin,
Paalam, sa aking Bituin.


Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now