Three

930 9 0
                                    

Parang nadinig ni papa God yung makita ko si Andrei kahit di mapanood. Andito ako ngayon sa SB a.k.a Sa Bangketa, joke! Sa Bucks, parang tanga name ng cafe no? Pero dabest dito. Hinihintay ko kasi tropa ko, nauna na ko dito kasi may dadaanan daw sila, gutom na ko kaya nagJabee muna ko kanina tapos deretso dito, so back to the ball game. Habang hinihintay ko sila, may mga lalaking nagtatawanan sa kabilang table kaya napukaw neto ang atensiyon ko. Puta pete por pabor! Green Archers lang naman po yon. Di naman ako nagpapapicture sa mga idol ko slash crush kaya hanggang sulyap lang ako kay baby ko Andrei.

Hindi ko na kineri yung kakiligan ko kaya napacr ako ng wala sa oras.

"Arouch!" Aray plus ouch kaya arouch.

"Sorry miss" sabi ng lalaki.

Dahil tutok na tutok ako sa table nila Andrei, e dinedma ko na lang yung lalaki.

"Cci, san ka ba galing?"
"Nagcr lang ako pare" 

Dinig kong sabi usap don sa table. Dakilang chismosa yata ako.

"Hoy ate girl! Nakatulala ka diyan?" Dinig kong sabi ni Pancake.

"Teh! Hindi lang tulala, nilalasap ko ang bawat pagkakataong mayroon para sa aming dalawa" sagot ko.

"Ha? Pinagsasabi mo diyan" agarang tanong ni Cookie.

Nginuso ko yung table ng Green Archers at ang mga gaga tila gustong sumigaw pero  dahil napagtanto nila na medyo tahimik e nagreact na lang, naghampasan, sampalan, bugbugan pero joke lang. Imaginin niyo yung tila sumisigaw pero walang boses at sabay sabay silang ganon pwera lang tong si Chips.

Slow po kasi itong si Chips kaya nagprocess muna ang mga bagay bagay sa paligid.

At etong si tanga tumili ba naman.
Dahil sa ingay na nagawa netong si Chips e napatingin samin ang Green Archers. Kami lang at ang GA ang tao dito sa SB so kanino pa ba manggagaling yung boses na yon? Kundi sa part namin diba?

Nang marealize nilang kami yon, ngumiti sila samin at hutaena lang mga mars, nakita ko ang magandang ngiti ng aking baby.

Di pa kami nahihimasmasan ng may lumapit samin na isang GA.

"Miss nahulog mo yung ballpen mo kanina" sabi niya.

"Ay hala! Salamat po" wika ko.

Napanganga sila dahil lumapit samin yung isa pero di ko maalala kung sino pero sa pagkakadinig ko kanina "cci" yung name niya.

"Tara papicture tayo!"suhestyon ni Cookie.

"Tanga! Nakakahiya" sabi ko.

"Minsan lang to baluga!" Sabi ni Malkist

"Di naman sila nakajersey e. Chaka!" Sabi ko.

"Tara pagpalitin natin. Sila magadjust para satin" sarkastikong sagot ni Pancake.

"Edi kayo na lang" sabi ko. Fan ako pero di naman super to the point na titili at pagkakaguluhan sila. Tingin lang ganon. Tamang nood lang.

Sinupport ko na lang mga tropa ko, syempre ako ang dakilang photographer ng mga to e so ako tagapicture. Di mapagkakailang mayayaman sila dahil ang gaganda ng balat nila na dinaig pa ko, gwapo sila kaya madaming fans.

Nagkakwentuhan na yung squad namin at ang GA kasi sabi ni Kib na captain nila e sumabay na daw kami sa kanila, dahil mga pokpokita sila at ako, g na kami aba! Kami pa ba choosy?

"May girlfriend ba kayo?" Out of nowhere yan ang tinanong ni Malkist. Bunganga neto minsan e. Minsan na nga lang dumaldal pero pagbabanat talaga namang shet!

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now