Forty-Two

297 9 0
                                    

Spicy's point of view

Ilang araw na naming hindi nakikita si Oreo. Di naman alam kung buhay pa ba yun, pero charot! Di naman niya wawakasan yung buhay niya sa gagong yun.

"Guys, nag-aalala na ako kay Oreo." Wika ko.

Kasalukuyan kaming nasa bahay nila Cookie, kumpleto kaming lima pati sila Bench at Penshoppe na galing sa seminar, dahil pinadala sila sa Tagaytay ng school nila bilang representatives. Wala silang alam sa nangyari dahil ayaw namin na mamroblema sila doon.

"Ako din." Saad ni Cookie.

"Pati mga kuya niya hindi din nalabas ng bahay. Ang tahimik nga ng bahay nila e. E diba walang araw na tumahimik bahay nila dahil sa pang-aasar ni kuya Red, Green at Gray kay Oreo o mga prank nila sa isa't-isa." Pahayag ni Chips.

"Kamusta na kaya yun?" Wika ni Pancake.

"Pwede ba guys, magsiupo kayo! Nahihilo na kami sa inyo. Kanina pa kayo palakad-lakad." Reklamo ni Bench.

"Kayo ba hindi nag-aalala?"

"Nag-aalala, pero wala namang magagawa yung paglakad-lakad niyo e." Sagot ni Penshoppe.

"Di natin alam kung lumipad na yun ng bansa. Diba ganon sa mga wattpad?" Sabi ni Malkist.

"Oo nga! O kung hindi naman bansa, ibang lugar naman dito sa Pilipinas." Sang-ayon ni Cookie.

"E bakit hindi nagpaalam satin?"

"Kailan siya babalik?" Pagdadrama ni Pancake.

"Ang tanong, babalik pa ba siya?" Dagdag ni Chips.

"Oo! Kasi gagantihan pa niya si Ricci. Parang 'ako nga pala yung sinayang mo!' Ganern!" Nagmodel pa si Cookie.

"Para kayong mga tanga!" Sigaw ng matagal na nawala. 3 o 4 na araw din siguro, matapos ang break-up nila.

"Whaaaah Oreo!" Sigaw namin at tinakbo namin siya.

"Akala namin kung nasan ka na."

"Dinig ko nga yung mga conclusion niyo. Mga sira!"

"San ka ba nagpunta?" Tanong ko.

"Kay Lord. Pinapakuha ko na si Ricci, charot!"

"De seryoso, san nga?" Tanong ni Pancake.

"Natulog." Sabay kuha niya ng pagkain sa lamesa at kumportableng umupo katabi nila Penshoppe.

"Ng 4 na araw?" Medyo OA na sabi ni Chips.

"Mga 3 days pa lang naman." Sagot nito.

"Ano ba kasi ginawa mo sa loob ng tatlong araw na yun?" Ulit ni Malkist.

"Natulog nga. Ang kulit!"

"Ang haba ng tulog mo ha!" Kumento ko.

"Kailangan ko pala ng ilang araw para maging maayos. Itinulog ko lahat ng sakit, ng mga tanong ko sa amin, sa akin. Ngayon, oks na ako!"

"Ang bilis naman! Move on agad?" Sagot ni Chips.

"Sabi ko okay, hindi ko sinabi na nakamove on na ako duh! Hindi naman ganon kadali makamove on, lam niyo yun!"

"Oo nga! Antanga mo naman, Chips!" Sabay batok ni Pancake.

"Miss mo na no?" Tanong ni Malkist.

"Oo naman! Matagal bago ako makarecover."

"Hayaan mo, tutulungan ka naman namin e."

"Tama si Cookie, we got your back!" Tapos niyakap namin siya.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon