Six

521 5 0
                                    

Nakilala kita sa di ko inaasahang pagkakataon, nakakabigla para bang sinadya at tinakda ng panahon.

"Tapos na tayo! Ilang beses ko bang sasabihin na ayaw ko na? Na pagod na ko?"

*Nong ikaw nilalamig akong yung init, kapag takot sa bukas, akong unang sisilip. Ginawa ko ng lahat. Di pa din sapat~*

"Ayusin naman natin to. Wag naman ganto. I'm sorry."

"Magagamot ba ng sorry mo, yung sakit na pinadanas mo? Mababalik ba niyan ang dating tayo?"

*Kailan kaya muling makakatawang di ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip~*

"Huy! Anong ginagawa niyo?" Tanong ng kakadating lang na Spicy.

"Eto kasing si Penshoppe, siya nagpasimuno ng kabaliwan." Sabi ko naman.

"Nakisali naman sila samin." Sabi ni Penshoppe sabay tinuro ang tropa.

Nasa bahay kami nila Penshoppe, ako si Malkist, Chips at Spicy. Si Bench, Cookie, Pancake ay mag org na pinupuntahan.

Napagpasyahan namin manahimik kahit minsan, at isa to sa minsan na yon. Nagkanya-kanya muna kami ng mundo, tinuon ang pansin sa phone.

Nabasag ang katahimikan ng sumigaw si Malkist, puta ang awkward tila ewan ampupu.

"FINOLLOWBACK AKO NI ALJUN SA TWITTER!" Sigaw niya.

"Ganyan ba yung reaction ko ng ichat ako ni Andrei?" Sabi ko naman.

"HA? CHINAT KA? BAT DI MO CHINIKA?" Histerikal na sabi ni Chips.

"Joke lang! Patola kayo ah no?" Sabi ko naman.

"Tsk! Akala ko naman." Pataray na sabi ni Malkist.

Dahil sa tuwa ni Malkist, ililibre daw niya kami bukas. At parang gusto kong pasalamatan si Aljun sa ginawa niya at isuggest na ifollow sa lahat ng social media accounts itong si Malkist. Tiba tiba kami mamshie!

"Hoy! Pagfinollow ka ba sa insta at inadd ka sa fb, ililibre mo ba kami ng buong linggo?" Tanong ko.

"Ay oo teh! Isang buwan pa, gusto mo?" Sabi niya.

"Deal." Sabay smirk.

Aljun, follow mo naman
si Malkist tapos pakiadd
sa FB! Sige na plsssss.


Aljun Jay Melecio accepted your request


Ay bakit?

Sige na! Libre kita
pagnagkita tayo? G?

Sige ha! Sabi mo yan.
Wag ka paasa Oreo.

Oo na.

May pagkapatay gutom din pala tong si Aljun. Maya maya'y narinig ko na ang sigaw ni Malkist na finollow na daw siya at inadd. Mukhang tagumpay ang plano ko. WHA. HA. HA. HA.


Habang nagaact ako ng natawa pero walang boses. Sinaway ako ni Spicy.

"Teh! Natuluyan ka na ba? Nilipasan ka na naman siguro ng gutom no?" Sabi niya.

"Panget ng trip mo! Masaya lang ako." Sabay ngiti ko sa kanya

"Hoy! Malkist inano ka na ni Aljun, usapan natin mamsh nuna?" Pigil kong tawa.

"Inano?" Singit ng chismosong si Penshoppe.

"Tange! Inadd at finollow. Utak mo e no?" Sabi ko.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon