Twenty-Nine

273 3 0
                                    

Bakit ka bumitiw?
Bakit ka pa bumalik,
Kung aalis ka rin palang muli?
Lumalayo ka na,
Palayo sa akin.















Kapag talaga malungkot tong si Oreo, natutulog siya. Katulad kanina, naglalaro kami ng uno tapos siya nasa sofa tulog na tulog. Kahit ang ingay namin, dedma pa din siya.

Nang kami na lang mga babae ang naiwan pati si Zy ay binasag nito ang katahimikan, kasalukuyan  kaming nanonood at yung ibang mga lalaki ay may binili saglit. Dahil sa may sa tamad itong si Zy ay nagpaiwan na lang siya.

"Tulog day ba ni Oreo ngayon?" Tanong ni Zy.

"Di naman sabado ah?" Wika naman ni Malkist.

"Baka antok lang?" Conclude naman ni Chips.

"Baka kasi binabawi yung di siya nakatulog nong nakaraan." Saad ni Cookie.

"O baka nam--" Magsasalita pa lang si Pancake ng unahan ko na.

"Malungkot yan. Parang di niyo naman kilala si Oreo kapag malungkot o wala sa mood, itinutulog na lang niya kesa magoverthink."

"E bakit di siya makatulog nong nakaraan kung yun pala yung solusyon niya?" Tanong ni Chips. Tropa ba namin to?

"Ibang sitwasyon yun."

"Panong iba?"

"Ewan basta iba." Depensa ko kasi muntik na kong mahuli at feeling ko nakakakutob na sila ng something.

"Kayo ah! May nililihim kayo sa amin." Wika ni Cookie na nanliliit yung mata at nagsilapitan naman sa gawi ko ang tropa at si Zy, dedma. Mabuti di sila chismoso, minsan.

"Ha? Anong nililihim?" Tanggi ko.

"Ano nga ba?" Intriga ni Malkist.

"Wala akong tinatago, mga baliw!" Sabi ko naman.

"Ah okay." Sabi naman ni Cookie. Buti at tumigil sila kasi di ko na alam paano ako lulusot, jusq Oreo!

Maya-maya ay dumating na sila at may dalang inumin, hapon na din kasi at maggagabi na, siguro ay naisipan nilang magchill o baka may isang broken sa tropa. Sino kaya?

Nagluluto na sila ng pulutan at nagtitimpla na at pinagsasama-sama ng mga babae ang chips at ako nakaupo lang, taga kwento ako e.

"Hoy Spicy! Ano tunganga na lang? Obserbahan na lang ng mga ginagawa namin?" Sigaw ni Pancake.

"Binabantayan ko si Oreo baka mahulog." Sagot ko dahil tinatamad din akong tumayo. "At ang dami niyo na diyan makikisiksik pa ba ako?"

"Sana ganyan din ako, di ko pinagsisiksikan ang sarili ko kapag di na pwede." Hugot ni Malkist.

"OOWWWW! BARS SELF BA TO?"" React ni Chips.

"Sana kasi di ako tanga katulad ni Spicy." Hugot din ni Cookie.

"Sana gising na si Oreo." Wika ni Dj na nakakuha ng asara mula sa amin.

"Sana kasi di mo sinayang." Saad ng tagapush nila Dj at Oreo noon na si Pancake.

"Sana kasi minahal mo noon." Si Guel naman ngayon.

"Sana di ka bulag non." Ang bestfriend ni Dj na si Ty.

"Sana manahimik kayo." Sagot nong kakagising lang. "Ang aga aga, ang ingay niyo!" Yamot niyang sabi.

"Sana alam mo na di na umaga at pagabi na po." Bara sa kanya ni Zy.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now