Thirty-One

248 3 0
                                    

Baka nga ipinakita ka lang sakin para ako' y saglit na sumaya,
Baka nga ipinahawak ka lang sa akin para ibigay sa iba,
Baka nga hindi lang talaga tayo para sa isa't isa.
Gusto kong lumaban,
Gusto kong kumapit,
Pero baka nga hanggang dito na lang,
Malaya ka na, aking bituin.
















Umuwi na ako sa bahay dahil nagsiuwian na ang mga hinayupak kong kapatid, noong paguwi ko dahil hinatid kami nila Res, sinalubong ako ng kanya-kanyang pagkain na dala nila na tila galing akong ibang bansa kung yakapin nila ako kagabi.

"Namiss kita sobra Oreo!" Ang kapal ng mukha ng mga kupal na to! After nila ako iwan. Iniiabot sa akin ni kuya Gray ang dala niyang Polvoron at Crinkles na Strawberry flavor.

"Akala mo ba si Gray lang may pasalubong?" Tanong ni kuya Red. "Syempre ako din Eo!" Sabay labas niya ng cake na galing sa kilalang bilihan ng mga cake. Birthday ko ba?

"Akala mo ba natutuwa ako ha, kuya Red? Sa may mall mo lang to binili duh!" Sabay irap ko dito.

"Magpasalamat ka na lang, pang-isang linggong kainan yan no!"

"Magpapahuli ba ako?" Singit ni kuya Green at inilabas ang limang balot ng Oreo, may Strawberry,  Chocolate at Vanilla.

"Binili mo lang to sa kabilang kanto e." May grocery store kasi dito e.

"Syempre si kuya Blue din meron!" Inilabas niya ang sampong box ng pancake mix. Alam talaga nila fav ko. Malamang ,kapatid pala nila ako, self naman!

"Baby oh!" Inilabas nito ang tatlong gallon ng ice cream. May Strawberry, Mango Graham, Oreo flavor at mga chocolates na nakikita ko lang sa twitter. Tapos gift check ng pwede kong bilhin pag pumunta ako sa mall, yung mga chocolates na nasa ice cream na. Shet! Daming pera ni kuya Black.

So ayun yung mga dala nila tapos yung hapunan namin ay pizza at jabee para sa akin para mawala daw yung yamot ko at mamaya igagala nila ako sa mall at manonood kami ng sine. Kung sana ay sinama na lang nila ako, edi nakatipid pa sila, duh! Mga tanga!

"Oreo! Gising na!" Sigaw ni kuya Gray sa labas ng pinto ko.

"Ano ba yun?"

"Aalis pa tayo! Mahuhuli tayo sa showing niyan mamaya e."

"Maliligo na ako!"

Tumayo na ako at kumuha ng damit na susuotin ng makaligo na tapos kain na lang after.

"Eo! Bilisan mo, kayo na lang ni Black hinihintay! Gutom na ako e. Mga antukin kasi!" Reklamo niya sa labas ng kwarto ko dahil tabi lang nito ang kusina, remember?

"Eto na! Nagbibihis na!" Sigaw ko dahil mga excited. Jadine panonoorin namin kasi maganda daw ang palabas na iyon, base sa nabasa nila sa twitter.

Lumabas na ako at ang wala na lang sa upuan ay si kuya Black at ako, understood na walang nakaupo sa dalawa kasi di pa nauwi sila mama at papa.

"Antagal talaga kumilos!" Reklamo ni kuya Gray.

"Kagigising ko lang kasi, di niyo ko kasi ginising ng mas maaga." Di na tuloy ako nakapag-agahan. Nakasulit na naman sila ng lulutuin.

Bago ako umupo, chineck ko muna kung kumpleto pa yung, Oreo, Ice cream, Chocolate, Cake, Polvoron, Crinkles, Pancake mix. At talagang mababait sila dahil niisa walang bawas. Kanya kanya kasi kami ng lalagyanan sa Ref, by age yung ayos nito kaya sa pinakababa yung akin. Tapos kanya kanya ring lalagyanan ng pagkain dahil magkakaiba kami ng trip sa buhay.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now