Eleven

431 6 0
                                    

Sumusulyap na naman ang buwan, hindi na nga maaabutan ang araw,
Parang ang pagsulyap ko, di na aabot sayo.




Joke! Wala talaga akong nakita, trip ko lang isuspense kayo. Nakita ko lang yung picture ng mga kapatid niya.

"Oh." Balik ko sa kanya noong phone niya.

"Ilan na naging ex mo?" Tanong niya.

Matagal akong nakasagot,"Ah, wala?"

"Bakit di ka sure?"

"Iniisip ko kasi kung panong ex ba? Ex-bf? Ex-mu? Ex-landi?"

"Basta lahat ng ex."

"Ah, muntik na yung isa, tapos pinaasa ako noong dalawa. Pero pinaasa din ako noong una e."

"Muntik?"

"Denial queen daw kasi ako kaya di natuloy,pero pinaparamdam niya naman parang may something kaya umasa ako tapos biglang wala lang pala yon."

"E yung dalawa?"

"Parehong friendzone. Ikaw?"

"Nalink siguro madami, pero dalawa pa lang ex ko."

"Malamang. Sikat ka. Pero sabagay ako ngang walang bilang sa mundo kahit babae nalilink sakin."

"Grabe naman yung walang bilang. Pero babae?"

"Kasi akala nila tomboy ako pero hindi babae ako."

"May nanliligaw naman sayo?"

"Ah oo yata? May nagtatangka pero takot sa mga kapatid ko at pati sakin. Mas lalaki pa daw ako sa mga nagtatangka." Sabi ko.

"Pero wait!" Magtatanong pa sana siya nag magsalita ako, "Di naman halata na interesado ka sa buhay ko no?"

"Baliw! Para may masagot ako no."

"Sus! Deny."

Madami pa kaming napagtanungan, minsan wala lang kwentang bagay, kung bakit bilog ang mundo, bakit square ang lagayan ng pizza e bilog naman nasa loob taas triangle naman pagkakainin na. Mga walang kwenta na syempre sa akin magmumula, ako pa ba?

"Hoy! Di pa tayo naglulunch nuna?" Pagkuha ko ng atensyon niya.

"Ay oo nga, magaala-una na."

"Tara na!" Hila ko sa kanya.

"Tange! Di diyan dito." Siya na ang nanghihila ngayon.

"Bakit alam na alam mo dito?" Tanong ko habang naglalakad.

"Naglakad lakad muna kami noong naggala kayo."

"Ah, yung naubusan kami ng pagkain?" Nag-init dugo ko sa alaalang yon.

"Oo yun yon."

"Tsk!"

Nang makarating na kami sa canteen, siya na nagprisintang mag-order at pumayag naman ako kasi feeling ko libre niya yon.

"Oh kain na tayo."

"Salamat!"

Habang nakain ang daming babaeng nakatingin sa amin na babae, joke. Sa kanya lang pala.

"Hoy! Ngitian mo naman sila, kung nakakatunaw lang ang tingin, malamang sa malamang lusaw ka na."

"Ha? Bakit?" Takang tanong nito.

Nginuso ko yung mga babae sa kabilang table. Nang ngitian niya ay tila maghalumpasay ang mga gaga, tila kiniliti mga puday nila. Makapagreact e.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now