Twenty-Two

271 3 0
                                    

I will always love you no matter what.







"Eo, punta ka sa sa school. Namimiss ka na namin e."

"Di ko naman kayo miss e."

"Eo naman, sige na pls."

"Ano ba talagang kailangan mo sakin?"

"Need kasi namin ng photographer, pangDp lang oh, pls!" Ano kayang trip nila bakit kailangan ng photographer e DP lang naman? Ang sosyal ah!

"Sabihan mo kaya yung mga babae mo diba? Andami naman nila para picturan kayo at willing sila, jusq naman!"

"E ikaw gusto namin e at magugustuhan mo yung kalaban namin."

"Huh? Diba practice lang naman? Bat may laro?"

"Pumunta ka na lang para malaman mo, hatid ka namin plus pagkains oh ano?"

"G."

Basta pagkain din talaga ako e no? Wala rin naman akong gagawin sa bahay tapos yung mga tropa ko nagoOJT na, ako? Eto tambay lang kasi matagal na akong natapos sa OJT, pinaaga sa akin ng magulang ko dahil dapat isasama nila ako sa Batangas kaso ayaw ko. Noong una di ko alam na isasama ako kaya pumayag ako na magpaaga sa OJT, akala ko trip lang ng magulang ko yon pero pabor din naman kasi chill na naman ako ngayon.

Ipinakita ko lang yung ID ni Res last year tapos pinapasok na ako, ilang beses na rin ako nakapunta dito, mag-isa o kasama tropa.

"Eo! Buti talaga pumunta ka, dala mo camera mo?"

"Oo lagi naman."

"Maupo ka muna dito, wala pa sila e." Sabay abot ni Res ng Gatorade, siya din kasi talaga nagpapunta sa akin.

Naisipan ko munang maglaro sa PSP ko, dala ko lahat ng gadgets ko sa bahay dahil ang mga walang hiya kong mga kapatid ang nagpapalowbat at nagpapatalo sa mga laro ko dito.

Naramdamdaman kong may tumakip sa mata ko.

"Pag nalaman ko talaga yung kaninong kamay to, sasakalin talaga kita."

"Oreo naman!"

"Punyeta ka talaga Guel. Kita mong naglalaro yung tao e."

"Sorry na."

"Pakyu ka. Cr muna ako, namo ka!"

"Sagana ka sa mura ngayon ah, Dj oh!"

Kakalabas pa lang ni Dj ng tawagin ito ni Guel. Naglakad na ako papunta sa cr.

"Tangina! Di na kayo nakamove on sa amin." Sigaw ko dahil nasa gitna na ako ng court, apat pa lang kaming nandito, si Res na nagshoshooting, si Dj na kakalabas pa lang ng cr at si Guel na naiwan sa bench.

"Si Dj din di makamove on e." Asar ni Res.

"Sinayang niya ako e." Sakay ko sa trip nila.

"Bawal bang ituloy ang naudlot?" Tanong ni Guel.

"Bawal na." Sagot ko.

Nang malapit na ako sa cr, hinawakan ni Dj yung baba ko.

"Bakit nga ba kita tinake for granted?" Seryoso yung mukha niya pero tinanggal ko yung pagkakahawak niya.

"Tangina! Yon talaga yon!" Sigaw ni Ty na kakalabas lang sa shower room nila kasama ang Archers. Wait, what? Archers? Oo sila nga, pero lima lang sila, si Ricci, Brent, Prince, Kib, Aljun.

"Bobo mo kasi boy." Sabay tapik sa balikat ni Guel na nakalapit na pala sa amin.

"Okay, awkward!" Sabay na sabi ni Ty at Res.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now