Twenty-Seven

217 3 0
                                    

I was dying inside to hold you...










Ano ba yung inasal ko? Para talaga akong tanga. Bakit ko sinabi yun? Ano ba problema ko? Ano bang pinagiisip ko kani---

"Mama" Sabi ng batang buhat ko kasalukuyan kaming nasa kubo sa may likod ng simbahan.

"Hhmm? Tomtom na ikaw?" Tumango siya at nagpout. Grabe! Pampawala ng stress.

"Papa?"

"Si papa, andon sa may iba pa naming kasama."

"Punta tayo papa."

"Sige, tara."

"Baba ato." Baba daw siya. Binaba ko siya at hinawakan sa kamay.

Naglakad kami papunta sa papa niya kuno at nang makita si Ricci ay inalis niya ang pagkakahawak sa kamay namin at nagtatakbo kay Ricci.

"Paaaapaaaa!"

Kinuha naman agad ito ni Ricci at binuhat tapos nakita ko ang pagbuka ng bibig nito at tinuro ako ni Neo.

"Mama! Lita tito."

Lumapit ako sa kanila at inaya ni Ricci kumain.

"Ry, tara don. Kain na tayo." Tumango lang ako at inabala ang sarili ko sa pagtingin tingin sa paligid. Asan ba mga tropa ko? Pati sila Brent wala din?

"Bakit ka ba nagwalkout kanina?" Tanong niya.

"Ah wala. Asan sila?"

"Naglilibot na sila kasi tapos na kumain ang mga bata. San kayo nagpunta kanina?"

"Ah diyan lang, nagpahangin."

"Dito na tayo kumain." Upo na siya sa may bench dito na may table tapos ang gitna ay puno.

Binaba niya ang pagkain sa sementong table tapos binuksan ang isang spag na may chicken at yung isa pa at yung isa pa. Nihindi ko man lang siya tinulungan sa pagbukas dahil naeewan pa din ako, tinitigan ko lang siya. Ang pog--

"Ry, kain na tayo. Baka naman matunaw ako."

"Kapal ng pes." Kumento ko at kinuha na ang plastic na spoon at fork.

Nakita ko na si Neo lang pinapakain niya tapos siya hindi pero nakabukas yung pagkain niya.

Kinuha yung isang tinidor at inikot ang spag doon. "Grabe gutom ka nga."

"Sayo to tange. Aahhh!" Tapos binuka naman niya ang bibig niya.

"Sweet mo ngayong araw ah?"

"Sweet? Sang part?"

"Sana araw-araw kang ganyan." Ha? Ano daw? Pinagsasabi neto.

Nang matapos kaming kumain ay naglibot na kami sa buong lugar.

Nagtatakbo naman si Neo kaya hinabol ito ni Ricci.

"Cute ng magtatay!"

"Ay ang cute!" Gulat kong sabi. "Walangya ka Spicy! Basta-basta ka na lang lumilitaw, mesakabute ka ba?"

"Malinaw na ba na gusto mo siya?"

"Ha? Gusto ka diyan? Crush ko nga lang."

"Okay sabi mo e. Di ka naman kasi ganyan magkacrush lang."

"Ha? Pano ba?"

"Hay nako Oreo! Bakit ang slow mo pagdating sa love? O baka kasi dindinedeny mo na naman? Or both? Sige mauna na ako." Sabay alis niya.

Napaisip ako sa sinabi niya, ano daw? Kanina gusto, ngayon love? Mas alam niya pa kesa sakin ganon? Minsan ang gulo din ni Spicy e.

------

"Babye Neo! Mamimiss ka ni papa." Sabi ni Ricci habang ibinababa si Neo sa higaan niya.

"Pa..pa" Mangiyak-ngiyak na wika ni Neo at ayaw niyang bumitaw kay Ricci.

"Baby, kailangan na naming umalis ni papa e." Saad ko kaya bumitaw si Neo pero humawak sa akin.

"Mama, sama ato. Sama Yeo." At eto na naman ang pamatay niyang pout. Whaaah! Di ko kaya!

"Whaah Ricci! Naiiyak ako. Ikaw kumausap kay Neo." Sabay hawak ko sa braso ni Ricci

"Uhm baby, kailangan kasi mag-aral nila papa at mama kaya babalik na sila don. Pagbehave ka, dadalhan ka ng toy ni papa, okay ba yun sayo?"

"Opo papa."

"Mamimiss ka ni papa. Kakain ka palagi ha? Wag malikot." Sabay kiss ni Ricci sa ulo ni Neo.

"Mamimiss ka din ni mama. I love you baby."

"Wabyu mama." Sagot ni Neo at kiniss niya ako sa noo. Kiniss ko din siya sa pisnge niya.

Pinatulog muna namin si Neo bago kami umalis.

"Mamimiss ko si Neo." Saad ni Ricci habang naglalakad papunta sa sasakyan.

"Ako din. Super cute niya, love ko na siya agad kahit isang araw pa lang kaming magkakilala."

"Ako din, parang ikaw lang." Sabay tingin niya sa mga mata ko. Ang seryoso, ang sincere ng tingin niya. Bakit parang double meaning? O assuming lang talaga ako?

Umiwas ako ng tingin at natahimik na lang kasi wala naman akong magandang sasabihin e.

"Ry, san ka sasakay?"

"Ah sa kotse nila Res, don ako uuwi e."

"Ah okay, ingat kayo."

"Thank you! Kayo din. Ah ano, wag mo na ko ihatid don, kaya ko naman na." Dahil akmang sasama siya sa akin ng madaanan na namin ang kotse nila. Bakit parang naging awkward?

Pumasok na siya sa kotse dahil may pagitan pang 2 kotse sa gitna ng kotse nila at kotse nila Res.

Naglakad ako ng madali dahil baka ihatid niya pa ko, di ko alam paguusapan namin. Nailang ako bigla ng wala sa oras? Bakit---

"Hoy Oreo! San ka pupunta?" Sigaw sa akin ni Chips.

"Ah ha?" Taka kong tanong at narealize kong nakalagpas na pala ako sa kotse.

"Tange! Dito yung kotse, sabog pa din hanggang ngayon?" Nagsidungawan ang mga kupal, si Cookie, Malkist, Pancake at si Spicy.

"Ganyan talaga kapag ano." Kumento ni Spicy na nakaani ng "ano?" Sa tropa.

"Joke wala!" Sabay bawi nito at baka sapakin ko to.

Pumasok na ako sa kotse na katabi ni Zy nasa bintana ako as always. Si Ret ang driver, sa front seat si Ty at Res, kami sa first row ni Dj, Pancake, Zy at ako. Sa last row ay si Malkist, Spicy, Cookie at Chips.

"Spicy, pahawak nga ng phone ko. Pag may nagchat, ikaw na kumausap. Tulog na muna ko." Sabay abot ko ng phone ko.

"At oh oh oh! Wala akong sinabi na magpicture kayo diyan ah!"

"Oo! Tutulog na kami duh!" Depensa naman ni Chips.

Di pa man ako nakakatulog ay nagsalita na si Spicy, "Oreo, nagchat si Ricci."

"Ikaw na kumausap. Sabihin mo masusuka ako." Sabay yakap kay Zy.

"Pag ako, binugbog ni Ricci ah?"

"Ha? Anong pinagsasabi mo?"

"Boyfriend mo yun e."

"Tange hindi!"

"E ano kayo?" Chismoso.

"Friends. Pahiga na jusq!" Dami pa nilang sinasabi after ng tanong ni Zy pero dedma na ako, antok na ako e.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now