Nineteen

252 2 0
                                    

Nagaantay pa rin ng gabi, pero mukhang ang bituin ay nais makawala, ayaw ng magpakita.










"Selos ka?" tanong ni Spicy nang makarating kami sa coaster.

"Ha? Ako magseselos? Kanino? Saan?"

"Edi kay Ricci at doon sa katabi niya." Sagot nito.

"Bakit naman ako magseselos don?!"

"Sign na nagseselos si Oreo. Una, naiirita. Pangalawa, tinatanggihan yung pagkain. Pangatlo, walang gana o di mo makausap ng maayos."

"Lah? Di ba pwedeng busog lang? Wala sa mood? Ganon?" Depensa ko.

"Denial queen is back! Welcome back!"

"Tumigil ka nga diyan at makipaglandian na lang sa jowa mo."

"Hay nako Strawberry Oreo!"

Nababaliw na naman yata si Spicy, kung ano anong pinagsasabi e. Antok na ako, wala akong masandalan, ano ba yan!

"Guel, tabi tayo, antok na ako e." Anyaya ko sa kanya.

"Tinatamad ako e."

"Punyeta! Anlayo natin ah?" Kasi naman medyo sa harap ko lang siya.

"Si Dj na lang. J, tabihan mo nga si Oreo."

Tumabi naman ito sa akin at dahil antok na nga ako di na ako nagreklamo at sumandal na sa kanya para matulog, traffic na kasi sa mga gantong oras.

------


Brent Paraiso is calling you

Wow! Wala naman akong phone na dala ah?

"Hello? Ano ba yon?"

"Chips? Nagwawala si Ricci ngayon."

"So ano gusto mong gawin ko?"

"Uy Oreo? Ikaw pala yan? Si Ricci kasi."

"Oh ano naman?"

"Check mo myday ni Chips."


Kaming dalawa lang pala ni Dj na magkasandalan tapos may nakalagay na "sweet". Yon lang pal-- HA? KAMI? NI DJ?

"Ano nakita mo na?"

"Ah oo. Anong kinalaman ng pagwawala ni Ricci sa sinasabi mo ngayon?"

"Slow ka ba? Pagong ka yata e."

"Wag ka ng magpaligoy-ligoy pa, sabihin mo na."

"Nagseselos si Ricci!"

"Ha? Bakit magseselos y--" Di ko pa natutuloy yung tanong ko ng namatay yung tawag. Sinubukan kong idial pero walang sumasagot kaya hinayaan ko na lang, naiinis pa din ako sa kanya, hmpf!

Nang makarating kami sa bahay nila Malkist para magovernight, yes onight kahit ang lapit ng mga bahay, wala kasing tao sa bahay nila baka kung ano pa gawin nito sa buhay niya.

"Oreo, nakita mo ba yung pinost nong girl na kasama ni Ricci?" Tanong ni Spicy.

"Ha? Hindi, bakit?"

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora