Eighteen

262 2 0
                                    

Nakakasawang paulit ulit na lang, ang paglubog ng araw, ang pagsilip ng buwan, ang pagkawala ng bituin na nagpapahiwatig ng pagdating ng ulan.









Isang linggo na mula noong nagEK kami at yung sampalan moment ni Gf at Malkist, joke! Di naman sampalan kasi si Malkist lang naman yung nasampal. Di na muna kami nagpupunta sa training or pameet and greet nila o kung ano man related sa kanila, syempre fresh pa yung pangyayari don at ayaw namin na saktan pa lalo si Malkist.

"Oreo, nagchat sakin si Ricci,  nood ka daw training nila bukas." Bakit kay Chips pa sinabi? Pwede naman deretso na lang sa akin.

"Di ka daw nareply sa mga chats niya kaya sakin na pinadaan." Parang hindi naging slow si Chips ngayon at nahulaan niya yung nasa isip ko.

"Ah e, di ko sure e. Alam mo naman."  Sagot ko pero di ko din kasi dala phone ko. Malamang sa malamang nasa bahay yon, PSP lang kasi dala ko dito.

Nakatambay ako sa bahay nila Chips kasi ginawang tambayan nila kuya yung bahay at lahat yata ng tropa nila ay andon, mahigit sampo rin sila don. Di naman ako makakanood ng movies kasi maiingay sila sa sala e kaya dito na lang ako manggugulo.

"E hindi naman kayo damay kila Aljun e." Wika niya.

"Gaga ka ba? Sinong kasama ko papunta don?"

"Kami."

"Bobo! Edi nasaktan si Malkist kapag makita niya si Aljun at alangan naman di isama si Malkist diba?"

"Edi magisa ka na lang. Di ka ba makapagiisa? Sanay ka naman na ah?" Saad niya.

"Namo! Ang witty ng suggestion mo. Ikaw na lang kaya pumunta?"

"Bakit ako ba niyaya ni Ricci?"

"Edi sabihin mo proxy kita."

"Wala din naman ako papanoodin don e." Sagot niya.

"Gumala na lang tayo ngayon, baliwin natin si Malkist."

"Oh tara na." Lumarga na kami sa kabilang ibayo at yayain ang mga panget.

Nauna kami papunta kila Malkist kasi for sure ambagal non kumilos para kahit papaano e mapadali yung pagalis namin.

"Malkist! Buksan mo ang pinto na to kung hindi papasabugin ko nguso mo." Banta ni Chips.

"Chat mo na lang. Pasigaw sigaw ka pa e."

"Oo nga no?" Antanga naman neto talaga.

Kasalukuyang naglalaro pa din ako ng 2K18 habang nagiintay.

Ilang minuto pa nang pinapasok na kami ni Malkist na ang lungkot pa din ng hitsura.

"Tara gala tayo! Arcade ganon or sine?" Sabi ni Chips.

"Wala akong gana." Sagot nito.

"Chips, chat mo sila. Sabihin mo punta sila dito na nakaligo at nakabihis na." Singit ko habang naglalaro pa din.

"Malkist, libre kita kahit ano, sumama ka lang." Anyaya ni Chips.

"Chips, parang ayaw ko din sumama, pilitin mo nga din ako." Sabi ko rito.

"Di kabroken, di ka kasali."

"Hala? Broken din ako. Broken yung bulsa."

"Sige na nga. Bihis lang ako." Mesapatay gutom din talaga to si Malkist e kaya sasama.

"Bihis ka na Oreo. Ako, oks na ko."

"Oks na din ako teh!" Nakawhite shirt tapos naka sweat short ako naman ako kaya pwede ng panggala.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now