Fifteen

386 4 0
                                    

Naghintay kahit nakakapagod...






Pagkagising ko, naalala ko yung kagabi. Nagimbal ako kasi di ko magets yung sinabi niya, tapos iba pakiramdam ko non, pero hayaan na at nagrereklamo na yung tiyan ko sa gutom.

"HOY! MGA PANGET, MAY PAGKAIN NA BA?" Sigaw ko habang nagaayos ng pinaghigaan namin, oo namin! Dahil ako na naman ang nahuli, ako na naman mag-aayos. Pisti!

Aba walang nasagot, sugudin ko tong mga to, "HINDI BA AKO NAGT---- uy, bakit andito kayo?" Di ko natuloy yung sasabihin ko dahil nakita kong nagpprepare sila kasama ng Archers, pero yung mga babae nila ay wala dito. Mabuti naman.

"Ayaw mo ba kami kasama?" Tanong ni Aljun.

"Pag tinanong, ayaw agad? Diba pwedeng plain question lang yon?"

"Oo nga, sabi ko nga."

"So bakit nga?" Paguulit ko.

"Pinsan, niyaya namin sila tutal magkakakilala naman kami at mukha kaibigan niyo naman sila ayon kila Guel." Paliwanag ni Res.

"PINSAN?!" Sigaw ni Brent at Jollo.

"Ah oo, pinsan namin to." Sabay halik sa magkabilang pisnge ko si Res at Ret.

"Yak! Di pa kayo naliligo e." Sabi ko.

"Ikaw lang yon tange!" Sagot naman ni Ret.

"Mamaya na, kain muna."

"Oy tara na!" Anyaya samin ni Spicy. Ang mga tropa ko palang babae ang nagasikaso sa table at ang nagluto ay si Penshoppe at Zy.

"Ang saya pala ng tropa mo." Kumento ni Kib.

"Ah oo naman."

"Pinsan mo pala sila Ret at Res?" Singit ni Aljun.

"Ah oo pati si Drey."

"Yon lang?" Tanong ni Prince.

"E yung kasama natin kagabi, kaano ano mo yon?" Tanong ni Jollo.

"Boy bestftriend pati si Zy, ayon oh!" Sabay turo ko kay Zy na naglilipat ng niluto sa lalagyanan.

"Ang sweet niyo nga e, hinug ka niya, nakita niyo ba yon guys?" Wika ni Brent.

"Ganon naman sila lahat samin, pero lang sa isa."

"Ah sino?" Himala at pinansin ako ni Ricci.

"I mean sa akin lang pala. Si Dj. Di ako nagpapayakap don, baka sapakin ko yan."

"Bitter ka na naman kay Dj?" Sali ni Pancake.

"Ha? Nasabi ko lang. Issue talaga kayo."

"Ex mo ba yon?" Tanong ni Andrei.

"Hindi."
"Muntik?" Sabay naming sabi ni Ricci.

"Alam na alam cci ah, di halatang interesado ka." Asar ni Aljun.

"Gago, baka kasi nagkakilalanan kami noon diba?"

"Bat ba nakatayo tayo dito?" Tanong ko.

"Oo nga naman, pwede naman tayo makiupo don." Sangayon ni Kib.

Nagpunta kami sa pinaguupuan nila Res.

"Oreo, di mo sinabi na dala mo pala si And---" takip ko sa bibig nitong si Guel.

"Konti na lang, sasapakan ko na yan ng bato dito." Banta ko.

"Joke lang eto naman. Pakilala mo naman sila sa kanila." Tukoy nito kila Drey.

"Ah guys, kayo magpakilala, tinatamad ako." Sabay upo ko sa tabi ni Dj, kasi yon na lang natitirang upuan dahil naunahan pa ako ng Archers sa upuan.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now