Thirty-Eight

211 6 0
                                    

Iba na yung saya mo,
Masaya ka kahit wala ako.
Buo ka,
Kahit sira tayo.




Cookie's point of view

"Cookie, ikaw muna bahala kay Oreo, may research kasi kami ngayon."

"Sige, wala din naman akong gagawin at wala akong pasok."

"Sorry talaga."

"Ano ka ba Spicy, tropa ko si Oreo, pag kailangan niya ako, handa ko siyang damayan."

"Paepal kasi yung mga kagroup ko e, sabi ko bukas na lang!"

"Oks lang yan! Pwede ka naman bumawi e."

Sa ngayon kasi, palitan yung pagsama namin kay Oreo. Kapag Monday-Ako, Tuesday-Chips, Wed-Malkist, Thurs-Pancake at Fri-Spicy pero dahil wala si Spicy, ako muna. Ginawa namin ito para maramdaman ni Oreo na may karamay siya dahil ganto din naman siya sa amin kapag malungkot o broken kami.

Minsan nga magtataka siya dahil bakit daw sa iba't-ibang araw kami tumatambay sa kanila, kung ano anong palusot namin dito, kesyo di nagkakasabay sched namin, kahit anong palusot basta makalusot.Hanggang ngayon din di pa alam nila Res yung nangyayari kay Oreo at yung mga kuya niya ay nakakakutob na din pero ayaw talaga ipaalam ni Oreo pero ang alam ko, alam ni kuya Black, ayon kay Chips.

Pagpasok ko bahay nila ay sumalubong agad si kuya Gray. O-em-g!

"Oh Cookie?"

"Nasan si Oreo?"

"Sikretong malupet... pwede pabulong?" Loko-loko talaga! Kaya crush ko to e. Sssshh lang kayo kay Oreo.

"San nga?"

"Sa puso ko, pakikuha dali!" Tapos hinawakan niya yung kamay ko papunta sa dibdib niya.

Hinampas ko ito, "Kuya naman e!"

"De nasa kwarto niya. Palagi yun nasa kwarto niya? Hhmmm bakit kaya?" Hala! Baka nakuku---

"At pansin ko ha? Isa-isa kayong dumadalaw, nauubos pagkain namin sa inyo e." Hays! Mabuti naman.

"Sige na kuya Gray!" Sabay takbo ko papasok sa kwarto ni Oreo, buti na lang at hindi ito nakalock.

"Ore--"

Tulog ang gaga pero may hawak siyang album, nakabuklat ito kaya naisipan ko na pakialamanan.

Pagbuklat ko ay may nakasulat sa first page na *Before Anything Else/Bae♥*

Aawww ang sweet ni Oreo. Ngayon ko lang nalaman na may side palang ganto si Oreo.

Second page: Pictures tapos may *First EK* May stolen si Ricci, may ang ganda ng lightnings. Tapos may blurred na nakatalikod pero halatang si Ricci, tapos signage ng EK pero singit si Ricci.

Next, *@Tanay, Rizal* May pic sila na kumakain ng Jollibee, may nakahawak si Ricci sa flower pero blurred yung flower tas may vice versa nito tapos mga wacky ni Ricci sa daan. Ah! Ito yung sa daan doon sa Tanay.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now