Twenty-Six

251 4 0
                                    

Bumalik ka,
Ang ulang malakas ay tumila na,
Ang bituin ay sumisilip,
Pero bakit wala ng kinang?
Hindi na kagaya ng una,
Hindi na kagaya noon,
Hindi na, hindi na kagaya ng dati.














"Hoy! Oreo, kanina ka pa tulala ah?" May pitik pitik pa ng kamay sa harap ko si Zy.

"Oo nga e, di rin siya natutulog ngayon, e pag byahe, kakaalis pa lang tulog na yan." Pansin din ni Ty.

"Hay ewan! Namamaligno yata ako."

Ilang minuto lang ang itinakbo ng sasakyan at ipinarada na ito o baka lumilipad ang utak ko at hindi ko namalayan, iginala ko ang mata ko para makita ang kabuuan ng lugar, isang lugar na animoy nasa probinsiya sa dami ng mga halaman at puno, may mga ilang kubo rin ang nakatayo sa banda roon, tahimik at mahangin.

"Res, dito!" Sigaw ng lalaki, na parang kilala ko kung sino iyon, bago pa man ako makahakbang ay naduwal na ako.

Nakita ito ni Chips, "Res, si Oreo, nasusuka yata."


Agad lumapit sa akin ito at tinanong ko kung okay lang ako, tumango ako at nagthumbs up.


Lumapit sa akin si Dj at inalalayan ako, nagsign naman ako na okay lang ako at ngumiti. Habang naglalakad ay may nakita akong lababo at bumitaw sa pagkakahawak sa akin ni Dj, at doon nagtatakbo.


Sinuka ko ang mga kinain ko simula kagabi, naalala ko na hindi pala ako sumuka kagabi at marahil ay naipon na yun dito. Nagsusuka kasi ako after maginom para mawala yung pagkalasing at sakto nagbyahe kami na hindi ako natulog sa sasakyan kaya lalo akong nahilo.

"Anong nangyari kay Oreo?" Dinig kong tanong ni Brent.

"Naginom sila kagabi." Sagot ni Dj.

"Baka di sumuka kagabi tapos ngayon lang inilabas." Sagot ni Ret.


May lumapit sa akin at itinaas yung buhok ko at hinagod yung likod ko, paglingon ko, si Ricci pala yon.

"Ayos ka lang?" Nag-aalala niyang tanong, paano ko nasabi na nag-aalala? Kasi ganto yung mukha niya nong nakita niyang nilalagnat ako.


Umiling ako at kumuha naman siya ng panyo at ipinunas sa noo ko, kanina pa pala ako pawisan.


Nang matapos akong sumuka, nagmumumog mun ako at naghilamos na din, para mahimasmasan, sumandal muna ako sa lababo, na kasalukuyang magkaharap kami, isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya dahil nakakaramdam ako ng pagod at antok. Patuloy niyang hinahagod ang likod ko at inaayos ang buhok ko, siya na din nagpunas ng mukha ko dahil noong kukunin ko ang panyo sa kanya ay tinabig niya lang ang kamay ko at siya na ang nagpunas.

"Iinom tapos di pala kaya." Wika niya.

"Kaya ko naman. Ganto naman ako palagi." Mahinahon kong saad.


Lumapit si Spicy sa amin at ibinigay ang bag ko kay Ricci, "Wala ding tulog yan, tapos ang konti pa ng kinain."

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن