Forty

222 5 0
                                    

Pancake's point of view

"Sa isang araw na yung championship ng UE at sila Ricci. Anong balak mo?" Tanong ko kay Oreo na naglalaro sa PSP niya.

"Balak san?"

"Sa pakikipag-usap kay Ricci? Break-up na ba? Tapos matutuloy na ang love story ng OreD?" Maligalig kong wika dahil ako yata ang president ng fans club nila simula noong grade 9 kami.

Naalala ko pa non na kahit mga teachers, gusto sila. Yung mga tahimik at may sariling mundo sa classroom, push sila. Hindi lang ako ang naniniwala na pwede sila, maraming umaasa mamsh! Madami!

"Kakausapin ko, titignan ko kung pwede pa maayos yung samin. At least di na siya busy ng mga araw na yun."

"May iaayos pa ba yun?"

"Hindi ko alam. Sana." Hay! Noong nagpaulan yata ng katangahan, si Oreo lang yata ang nasa labas ng mga panahong yun, kaya eto! Sobrang tanga.

"Pero girl seryoso, kung ako ikaw? Hiwalayan na, hiwalayan na lang ang sagot diyan. Kasi tignan mo, pag pumasok ka sa isang relasyon kahit gaano ka pa kabusy, gagawa at gagawa ka ng paraan para makasama mo lang yung jowabels mo."

"Paano kung naiipit lang talaga siya sa mga ginagawa niya kaya hindi niya ako mabisita."

"Ng apat na buwan? Maglilima na actually. Alam mo kasi, kampante kasi siya na di ka mawawala kaya ka niya binabalewala, ganon! Kasi ramdam niya na palagi kang andyan kahit pa di ka niya kibuin o ano, kaya yan ang ginagawa sayo. Gets mo?"

"Alam ko."

"Alam mo naman pala e, pero bakit? Bakit ang tanga tanga mo?!"

"After this season. Sakto, ikaw na nga nagsabi na championship na sa isang araw."

"Pero dahil tanga ka, magmamakaawa ka na bumalik na kayo sa dati. Sa RiXRy na love story?"

"After this season."

Dahil hindi na ako pinapasin ni Oreo dahil busy siya sa paglalaro ay kakain na lang ako dito at ikekwento ko sa inyo kung anong nangyari makalipas ang ilang linggo after ng away nila.

Nagpunta si Ricci kila Oreo matapos yung pag-aaway na yun pero nadatnan ko lang na nag-aaway pa rin sila. Wala ang mga kapatid ni Oreo dito kaya malaya silang makakapagsigawan.

"Kaibigan ko lang si Bea! Paulit-ulit ba tayo dito Oreo?"

"Hindi ganon ang magkaibigan lang Ricci. Babae ako! Alam ko kung nilalandi na ba ng iba yung boyfriend ko."

Hindi ako nanonood sa kanila, nakikinig lang dito sa labas. Kung wala ako dito, edi wala akong maikukwento sa inyo.

"Napakaparanoid mo! Nagooverthink ka lang Oreo."

"Paranoid na kung paranoid pero yun ang totoo! Kung paano ka niya tignan, alam ko Ricci! Alam ko!"

"Di na dapat ako pumunta dito! Mag-aaway na naman tayo."

"Sige umalis ka! Kasi ikaw yung sobrang pagod sating dalawa!"

"Oo pagod na pagod na ko!"

Ayun, jumexit sa bahay nila Oreo pero nagtago muna ako at baka makit ako ni Ricci doon, tapos non pumasok na ako. Mamaya kung anong gawin ni Oreo sa sarili niya e.

Eto naman yung nanood kami kasi semis na, after nong game, makikipagbati daw yung tanga. Wala naman kaming magagawa kundi isupport siya dahil kahit anong sabihin namin, dedma. Siya naman din nagsabi e.

Eto yung scene don. Pero coincidence lang na andon ako, di naman ako sobrang chismosa.

"Ri, mag-usap tayo."

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now