#TFGKabanata5

1K 66 0
                                    

RAFAELA

Hindi ko mapigilan ang aking kilig nang hawakan ni Jameson ang aking kamay habang naglalakad kaming dalawa. Waaa! Magka-holding hands kami ng my loves ko.

"Alam mo ba Rafaela, I'm so lucky that I've met you. Ikaw na siguro ang babaeng matagal nang hinahanap ng puso ko." - Jameson

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. " Ha? Anong ibig mong sabihin Jameson?"

Napatigil naman ako sa paglalakad nang tumigil siya. Tapos ay hinawakan niya ang ang isa ko pang kamay.

"Rafaela..." tawag niya sa akin.

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"I think I love you." dagdag pa niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Tama ba 'tong narinig ko?

"Hindi ko alam kung paano nagsimula 'tong nararamdaman ko para sa 'yo. Basta hindi ko namalayang na-in love na pala ako sa 'yo Rafaela." - Jameson

Parang biglang may nag-party sa aking puso dahil sa mga sinabi niya. Ito na ba yun? Ito na ba ang simula ng love story namin ni Jameson?

"Jameson." tawag ko sa kanya.

"Bakit Rafaela? Basted ba ako?" biglang lumungkot ang mukha niya.

"Hindi naman sa gano'n. Ang totoo kasi niyan ay..."

"May iba ka nang gusto?" pagputol niya sa pagsasalita ko.

"Hindi. Ang totoo niyan..."

"Tomboy ka? Babae ang gusto mo?" pagputol ulit niya.

-____-

"Patapusin mo muna ako sa pagsasalita Jameson." sabi ko sa kanya. Sumisingit kasi siya kaya hindi ko tuloy maamin.

"Pasensiya na Rafaela. I love guessing games kasi. Ituloy mo na." - Jameson

Ngek! Ginawa niyang palaro ang pag-co-confess ko.

Huminga muna ako nang malalim bago magsalita.

"Ang totoo kasi niyan. Matagal na kitang gusto. Hindi lang basta fan ang nararamdaman ko sa 'yo Jameson. Love na rin yata." pag-amin ko.

Nakita ko naman ang tuwa sa kanyang mukha. "Really?"

Nakangiting tumango ako.

"Kung gano'n..." - Jameson

Biglang inilapit ni Jameson ang mukha niya sa mukha ko at siniil ako ng halik. Ang halik na matagal ko nang pinangarap na makuha mula sa kanya.

Ako naman ay pumikit at tumugon para damdamin pa lalo ang halik niya sa akin.

Habang naghahalikan kami ni Jameson ay parang nag-iba yung labi niya. Isang pamilyar na halik ang nararamdaman ko ngayon.

Inimulat ko ang aking mga mata.

O_____O

Naitulak ko bigla ang humahalik sa akin. Paanong...

Imbes kasi na si Jameson ang kaharap ko ngayon ay isang nakakatakot at misteryosong mukha ang nakikita ko.

Ang lalaki sa bus na nahalikan ko. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa suot na naman niyang cap at shades.

Lumapit ulit ang lalaki para halikan ulit ako.

.

.

.

.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now