#TFGKabanata72

1K 13 0
                                    

WARNING: This part contains matured scenes and effects. Bawal ulit sa mga bata pasensiya na.

📌

LUCAS

Pagkamulat ko ng aking mga mata ay medyo nakaramdam ako ng kirot sa aking mukha. Naalala ko bigla ang lalaking bumugbog sa akin. Bigla na lang ito sumugod sa akin at binugbog ako.

Pero teka, nasaan ako ngayon?

"You're awake." narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

Si Rafael.

Napatingin ako sa gawi niya. "N-nasaan ako?" nahihirapan kong tanong.

"Nasa condo ka ngayon ni Rafaela. Dinala ka namin dito ng kapatid mo at ng kapatid ko." sagot niya.

Naalala ko naman ang pangyayaring 'yon. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil nag-aalala talaga sa akin kahapon si Rafael. Nagtulug-tulugan ako kahapon at ramdam ko ang pag-aalaga niya sa akin hanggang sa nakatulog ako.

"Pinaghanda nga pala kita ng breakfast." sabay lapag sa bedside table ang tray na may pagkain.

Tiningnan ko ang hinanda niyang pagkain. May isang basong gatas akong nakita. Sa plato naman ay may dalawang hard-boiled eggs na binalatan na at isang jumbo hotdog. Palihim akong napatawa dahil sa naiisip ko.

"Gusto mo subuan kita?" tanong niya.

"H-hindi na. Kaya ko na ang sarili ko." nawala ang emosyon ko habang sinasabi ko 'yon. Hindi ko pa rin makakalimutan ang pangloloko niya sa akin.

"Alam kong galit ka pa rin sa akin dahil sa ginawa ko. Pero sana bigyan mo pa ako ng pangalawang pagkakataon. Aaminin kong natukso ako at pinagsisihan ko 'yon. Ikaw lang ang mahal ko Lucas at wala nang iba pa. Ayokong mangako because promises meant to be broken pero sisiguraduhin kong hindi ka na ulit masasaktan pa dahil sa akin. Sana mapatawad mo ako sa aking nagawa. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko kung wala ka." aniya na nagpalambot sa aking puso.

Hinawakan ko naman ang isang kamay niya. "Sa totoo lang, nasaktan ako sa ginawa mo. Pero naiintindihan naman kita dahil may kulang sa akin. May mga bagay talaga na tanging babae lang ang makakapagbigay nito kaya nagawa mo 'yon."

Nakita ko namang natigilan siya. "N-no baby. Walang kulang sa 'yo. Ako ang problema kaya 'wag kang mag-isip ng ganyan."

"Sa totoo lang Rafael, gusto kitang bigyan ng pagkakataon..." bitin kong sabi.

Nakita ko ang pagkinang ng mga mata niya. "T-talaga?"

"Pagkakataong makapag-isip." pagpapatuloy ko.

Biglang kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Sa tingin ko, kailangan muna natin ng space sa isa't isa. Gusto kong bigyan kita ng chance para makapag-isip nang mabuti para sa totoong nararamdaman mo."

"H-hindi kita naiintindihan Lucas. Diretsuhin mo nga ako!" naiinis na niyang sabi.

"Rafael, pag-isipan mong mabuti kung lalaki ba kagaya ko ang gusto mo o babae?"

Natigilan ulit siya. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "A-anong pinagsasabi mo diyan? Ikaw lang ang gusto ko Lucas at wala nang iba pa."

"Kahit two weeks lang, Rafael. Pagkatapos ng two weeks ay do'n mo na sabihin sa akin ang totoo mong nararamdam." ani ko pa.

Alam kong masyadong risky 'tong ginagawa ko dahil sa loob ng dalawang linggo ay maaaring may magbago. Pero kung ano man ang magiging desisyon ni Rafael ay tatanggapin ko ito nang buong puso.

The Fangirl [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon