#TFGHulingKabanata

1K 14 0
                                    

RAFAELA

Parehong magkahawak ang pareho naming kamay ni Lance habang naglalakad dito sa park. Pagkatapos ng concert ko ay napagdesisyunan muna naming mamasyal bago umuwi.

"Did you miss me, baby?" nakangiting tanong ni Lance sa 'kin.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Sobrang na-miss."

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Sobrang na-miss ko 'to. Everything about us ay na-miss ko.

Umupo kami sa isa sa mga bench habang hindi pa rin mapaghiwalay ang kamay naming dalawa at nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.

Napatingin ako sa kamay kong may singsing. "Hindi ako makapaniwalang engaged na tayo."

"Me too. Sa dami ng pagsubok na hinarap natin nang magkahiwalay ay tayo pa rin talaga hanggang ngayon." pagsang-ayon niya.

"Siguro dahil matibay ang pagmamahal natin sa isa't isa. Kahit na may mga humahadlang sa atin ay hindi pa rin ito natitinag." sabi ko sa kanya.

Nagkaroon muna ng katahimikan. Wala na kasi kaming maisip na pag-uusapan.

"Eh ako, na-miss mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Syempre naman baby. Sobrang na-miss kita. Noong nagising ako ay ikaw agad ang naisip ko. Well, palagi naman kitang iniisip." sagot niya.

Medyo nakakaramdam na rin ako ng antok kaya napahikab ako.

"Gusto mo na bang umuwi? Ihahatid na kita." aniya.

Tumango ako. "Ihatid mo ako sa bahay namin."

"Hindi ka na pala nakatira sa condo." sabi niya.

"Mga ilang buwan na rin." tugon ko. "Pagkahatid mo sa akin sa bahay ay may ipapakilala ako sa 'yo."

Ipapakilala ko na sa kanya si Dalancy.

Kotse ko ang ginamit niya para ihatid ako sa bahay.

*beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep beep*

Grabe, napaka-traffic ngayon kahit gabi na. Hindi halos umaandar ang kotse ko.

"Shit." narinig kong mura ni Lance. Naiinip na siya.

Kailan pa siya naging ganyan?

"Relax Lance." sabi ko sa kanya.

Ipinatong ko ang kaliwa kong kamay sa kanang hita ni Lance na ikinatigil niya.

"B-baby." nauutal at gulat niyang sabi.

"Kalma." sabi ko sa kanya at hinaplos ko ang hita niya.

Nakita at narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Seryoso niya akong tinignan. "What are you doing?" sabay baba ng tingin niya sa kamay kong nakapatong sa hita niya.

Agad ko naman itong tinanggal. "P-pasensiya na." nahihiya ko biglang sabi.

Sana hindi niya bigyan ng ibang meaning ang paghawak ko sa legs niya. Wala lang naman 'yon sa akin.

Hindi ko na siya muling tinignan. Nahiya ako bigla sa aking ginawa.

Bakit kasi traffic? Excited na akong ipakilala sa kanya ang anak namin.

Naramdaman ko namang hinawakan ni Lance ang kaliwang kamay ko at ipinatong niya ito sa isang nakabukol at matigas na bagay.

"You're always responsible for this, baby." aniya kaya napatingin ako sa kanya.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now