#TFGKabanata42

1K 14 0
                                    

ELISA

- THREE DAYS LATER -

Hindi ko mapigilang mainis dahil puro si Rafaela ang nasa timeline ng bawat social media ko.

"Kainis!"

Naitapon ko ang mamahalin kong phone sa inis. Hindi ako makapaniwalang mag-va-viral ang babaeng 'yon hindi lang nationwide kundi worldwide na rin. Aaminin kong magaling siyang sumayaw at kumanta pero mas maganda pa rin ako sa kanya. Pero ang kinakatakot ko lang ay baka agawin niya ang lahat ng pinaghirapan ko. Baka malaos ako dahil sa pag-viral niya. Hindi pwede 'to. Dapat makagawa ako ng paraan para siraan siya.

*tok tok tok*

Napakunot ang noo ko nang marinig kong may kumatok. Sino naman kaya ang bibisita sa ganitong oras?

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa 'kin si Lance. Nakangiti siya at may dalang wine.

"Did I disturb you?" nakangiting tanong niya.

Hindi ko rin maiwasang ngumiti. "Nope, hindi naman ako busy. Come inside." I said to him.

Pero hindi ko inaasahang bibisita siya sa condo ko.

Pagkapasok niya sa loob ay ni-lock ko agad ang pinto at pumunta ako sa kusina para kumuha ng wine glass.

"What a nice place you have here." ani Lance habang tinitingnan ang buong paligid ng condo ko. It is his first time to visit me here. Nagiging close na rin kami for the past few days. Syempre tuloy pa rin ang plano ko.

"Thanks." ang naging tugon ko.

Sa sala kami nag-stay. Nakita kong sinasalin ni Lance ang wine sa dalawang baso.

"Bakit ka nga pala napabisita? Do you need help in our latest script?" I asked him.

"No, I just want to visit you. Since we've been close for past few days. I want to know you better." he said while still smiling at me. Inabot niya sa 'kin ang isang glass na may wine.

Ngumiti rin ako sa kanya. "Really Lance?" sabay inom ko ng wine.

Pinatong ni Lance ang kaliwang kamay niya sa kanang balikat ko na nagbigay sa 'kin ng kiliti sa katawan. "Yes." sagot niya at naramdaman ko ang paggalaw ng kaliwang kamay niya which turns me on.

"Y-yeah. S-sure." nauutal ko nang sagot. Nagsalin ulit ako ng wine at uminom ulit na mas lalong nagpainit sa katawan ko.

"I just realized that you have a beautiful face." he said at naramdaman ko ang pag-angat ng kaliwang kamay niya sa mukha ko.

"A-anong gusto mong malaman tungkol sa akin?" I asked.

"Everything about you." he said at naramdaman ko ang thumb niya sa labi ko.

Hanggang sa hindi ko namalayang siniil na niya ako ng halik sa labi. He's a good kisser. I bet he's good on bed too.

"Hey, are you with me?"

Bumalik naman ako sa huwisyo nang tapikin ako ni Lance sa balikat.

Kissing with him is just my wild imagination.

"Y-yeah." sagot ko sa kanya.

Nakita ko naman ang pagngisi niya. "You can start now telling about yourself to me." he said.

At nagsimula na akong magkuwento tungkol sa sarili ko. About my hobbies, kung paano ako nakapasok sa showbiz, my likes, he also asked me about my ideal man. Sa tuwing nagkukuwento ako ay sinasalinan niya ako ng wine.

Hanggang sa tuluyan na akong mawala sa katinuan.

LANCE

"Hahahahahahaha!" parang baliw na tumatawa si Elisa kahit wala namang nakakatawa sa sinagot niya. Mukhang lasing na siya.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now