#TFGKabanata14

1K 14 0
                                    

RAFAELA

"Gawin mong boyfriend mo si Lance Jerold Kim." sabi sa 'kin ni Jameson my loves na ikinalaki ng mga mata ko.

"ANO?!" hindi makapaniwalang sabi ko. Napatingin tuloy sa 'min ang mga tao.

"Gawin mong boyfriend mo si Lance." pabulong niyang sabi.

Seryoso ba siya sa pinapagawa niya?

Hinintay kong magsabi siya ng 'Just kidding' pero wala akong narinig mula sa kanya. Hindi siya nagbibiro sa sinabi niya.

"Alam mo na ba ang kumakalat na issue na nagde-date sina Lance at Elisa?" tanong niya sa 'kin. Alam na pala siya. Malamang kalat na yun sa buong Pilipinas.

"Nabasa ko sa facebook ang tungkol sa kanila. Si Elisa pa nga mismo ang nag-confirm." sagot ko kay Jameson.

"Fake ang news na yun." aniya.

"Fake news? Paano mo naman nasabi yan?" nagtatakang tanong ko.

"Dahil kilala ko si Elisa. Ginawa niya lang yun for her popularity. Kapag kinalat niyang may relasyon sila ng lalaking 'yon ay dadami ang fans niya." sagot niya. Ay grabe naman 'tong si Elisa. Parang uhaw siya sa atensyon. Hindi ako makapaniwalang ganyan pala siya.

"So hindi totoong sila?" tanong ko.

"Yeah. That's why I need you to be in a relationship with him para hindi niya ako ipagpalit sa mukhang paa-ng yun-este kay Lance. Hindi pwedeng mabuwag ang loveteam naming dalawa hanggang sa matapos ang kontrata ko." aniya.

Ewan ko pero parang nasaktan ako sa sinabi niya. Parang pinamimigay niya ako sa iba. Ano pa ba ang magagawa ko? Hanggang fan lang niya ako. Kapag matapos man 'to at mag-wish ako sa kanya na to be my boyfriend. Wala pa ring silbi dahil hindi naman mutual ang feelings naming dalawa. Baka mapilitan lang siyang gawin 'yon dahil may utang na loob siya sa 'kin. Pero tanggap ko namang gusto niya si Elisa kahit masakit sa 'kin.

"Papayag ka ba sa ipapagawa ko?" tanong ni Jameson.

Umiling naman ako. Ayoko ngang maging boyfriend yang lalaking yan. I still hate him no matter what dahil rival siya ng idol ko.

"I already expect that. May magagawa ba ako para pumayag ka? What do you want? Ibibigay ko sa 'yo kahit ano." sabi niya. Ito na ang pagkakataon ko para sabihin sa kanya kung ano talaga ang gusto ko.

Huminga ako nang malalim. Kaya mo 'to Rafaela. Lakasan mo ang loob mo.

"I want you to date me." diretsahang sabi ko sa kanya.

"Ha? Date you?" gulat niyang sabi.

Tumango ako. "Gusto kita Jameson." pag-co-confess ko.

Natahimik naman siya sa sinabi ko. Halatang hindi siya makapaniwala.

"Kaya mo bang ibigay yun?" I asked him. Pero base pa lang sa reaksyon niya ay alam kong tatanggi siya sa sinabi ko. Malamang Rafaela, sino bang artista ang magkakagusto sa 'kin? Ordinaryong tao lang ako. Yung mga tipo nila ay kagaya rin nilang sikat.

Pero nagulat ako nang ngumiti siya sa 'kin.

"Iyon ba ang gusto mo? Why not? I can be your girlfriend." aniya. Bahala na kung bukal ba ang sinabi niyang iyon o hindi. Ang mahalaga sa 'kin ay maging boyfriend ko siya kahit ilang months lang. Inaamin kong katangahan 'tong gagawin ko but I am also desperate. I really like him a lot.

"But in one condition." dagdag niya.

"Anong kondisyon?" tanong ko.

"Syempre walang pwedeng makaalam na may relasyon tayong dalawa. Maliban sa masisira ang pangalan ko sa showbiz ay baka maraming manakit sa 'yo kapag kumalat ito. Ayokong madamay ka nang dahil sa 'kin." aniya.

The Fangirl [Published under Dreame]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن