#TFGKabanata16

1K 14 0
                                    

RAFAELA

"Good morning Philippines!" masayang sabi ko nang makabangon na ako sa kama. Ito na yata ang pinakamaganda kong umaga. Siguro dahil sa maraming magandang nangyari sa 'kin kahapon. Isa na do'n ay naging boyfriend ko na si Jameson my loves. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala eh.

Pero dapat walang makaalam sa relasyon naming dalawa lalo na sina Kisses at Lance. Alam niyo na kung bakit.

Masaya akong bumangon at naghanda para sa class ko ngayon habang nakikinig ng music.

"How you like that." pagsabay ko sa kanta sa iPod ko.

Humarap ako sa salamin at hindi na ako mukhang stressed. Mas nag-blooming pa nga ako eh. Napangiti tuloy ako bigla. Ganito pala ang feeling kapag in love.

Bumaba ako para kumain at nadatnan ko si Kuya Rafael na nakasimangot.

"Anong problema mo?" tanong ko habang kumukuha ako ng pagkain. "Ang aga aga nakasimangot ka diyan."

"Wala." tipid niyang sagot.

"Anong wala? Ako pa talaga ang niloko mo." sabi ko sa kanya.

Nang isubo ko na ang pagkain ay nagsalita ulit siya. "Sa school niyo na ako mag-aaral simula bukas."

*cough cough*

Napaubo ako bigla dahil do'n. Muntik ko tuloy mailuwa ang kinain ko.

"Hoy! Sino ang nagsabi sa 'yong pwede ka do'n mag-aral?" inis kong tanong sa kanya. Bantay-sarado ako sa kanya kapag mangyari 'yon. Huhuhu!

"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang mag-aral do'n?" masugit niyang sabi.

"Bakit mo namang naisipang mag-transfer do'n, aber?" tanong ko sa kanya.

"Para mabantayan ka. Hindi ko hahayaang mangyari pa ang nagyari kagabi na umuwi ka nang late." sagot niya.

Sinasabi ko na nga ba.

"Tatay lang ang peg mo?" mataray kong sabi.

"At saka dapat walang makaalam na magkapatid tayo." - Kuya Rafael

Napataas naman ang kilay ko dahil do'n.

"Teka, may problema ba?" tanong ko sa kanya.

Pero hindi niya ako sinagot at umalis na siya. Napakasungit talaga niya kahit kelan.

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko ang lunch box ko.

"Rafaela!" Narinig ko ang sigaw ni Mama. Bakit na naman kaya niya ako tinatawag?

Kinakabahan tuloy ako. May nagawa ba akong mali?

Agad akong pumunta sa sala at naabutan ko do'n si Mama na nakatingin sa 'kin. "Mama, anong problema?" tanong ko sa kanya.

"May bisita ka sa labas at hinihintay ka. Sabi niya sa 'kin boyfriend ka raw niya." seryosong sagot ni Mama. "Totoo ba yun anak?"

Nanlaki naman ang mga mata ko. Si Jameson kaya ang tinutukoy ni Mama?

"Ma, mamaya na lang po ako mag-e-explain. Ma-le-late na rin po ako." sabi ko sa kanya. Dumiretso agad ako sa kusina at nilagay ko sa baunan ko 'yong sinangag at hotdog para sa lunch.

"Pero infairness anak. Ang pogi niya ha. Nice catch." sabi sa 'kin ni Mama nang makarating ulit ako sa sala. Pero this time ay nakangiti na siya. Mood swing din 'to si Mama eh.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now