#TFGKabanata59

1K 14 0
                                    

RAFAELA

Simula nang umalis ako sa grupong GF's ay medyo lumuwag ang schedule ko. Kumalat na rin 'yon sa social media at maraming nalungkot sa pag-alis ko. Kahit ako ay nalulungkot din but this is the right thing to do. At isa pa, alam kong may plano si Papa God na mas better pang opportunity.

By the way, pinatawag ako ng CEO ng WP Entertainment sa kanyang office dahil may ipapakilala raw siya sa akin. Sino naman kaya 'yan?

"Hello po Sir. Pinapatawag niyo raw po ako?" magalang kong tanong sa CEO.

Pero natigilan ako nang may nakita akong isang pamilyar na mukha.

Anong ginagawa niya rito?

"Alam kong magkakilala na kayong dalawa. Pero ipapakilala ko pa rin sa 'yo si Lance Jerold Kim. Siya ay magiging bagong manager mo, personal assistant, bodyguard at pati na rin driver mo." sabi ng CEO na ikinalaki ng mga mata ko.

"HA?" hindi makapaniwalang tugon ko. Nawala bigla ang galang ko.

"For your safety, makakasama mo siya every weekdays 24 hours." dagdag pa ng CEO.

"P-pero, bakit siya po?"

"Dahil nalaman kong siya ang lalaking tumulong sa 'yo noong pinasukan ang condo mo." aniya.

Napatingin naman ako kay Lance at nakita kong nakatingin din siya sa akin nang nakangiti. Parang may kakaiba sa ngiti niya.

"Magsisimula na ang trabaho mo ngayon Lance. Please take care of her." sabi ng CEO kay Lance.

"I will." naging tugon nito.

Nang lumabas na kami ni Lance sa office ng CEO ay hinarap ko siya.

"Bakit ganito ang trabaho mo?" tanong ko sa kanya.

"What do you mean?" nalilitong tugon ni Lance.

"Noong una ay naging stripper ka sa bridal shower ni Kisses. Ngayon naman ay ito ang pinasukan mo. Anong nangyari sa buhay mo?"

"Okay naman ang buhay ko Rafaela. I just need money para sa anak namin ni Elisa." - Lance

Napatigil naman ako dahil sa sinagot niya. Parang may kumirot sa puso ko dahil do'n. So totoong may anak na silang dalawa.

"A-anak niyo ni Elisa?" ang nasabi ko.

"O-oo, anak naming dalawa." sabay iwas niya ng tingin sa akin.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Wala na akong masabi pa. Pakiramdam ko ay masyado nang occupied ang utak ko.

*krrrriiiiiinnnnnnggg!*

Tumunog bigla ang phone ko. Buti naman at may narinig akong ingay. Baka abutin kami ng gabi sa kakatunganga rito dahil sa katahimikan.

Tumatawag si Kisses.

"Hello Kisses?"

("R-rafaela...") narinig ko ang boses niyang nauutal.

Teka, may nangyari ba kay Kisses?

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

("Y-yung tungkol sa nangyari. G-gusto kong humingi ng sorry.") - Kisses

Napakunot naman ang noo ko. "Ha? Bakit ka naman nag-so-sorry sa nangyari sa akin?"

("Yung lalaking pumasok sa condo mo noong gabing 'yon ay ang dating boss ni Jameson. H-hindi ko nasabi sa 'yong matagal na siyang nakatakas sa bilangguan.") sagot ni Kisses na ikinalaki ng mga mata ko.

"ANO? BAKIT NGAYON MO LANG 'YAN SINABI?" hindi makapaniwalang sigaw ko.

("Dahil sa kondisyon ni Jameson. Ngayon ko lang nalamang bumalik na pala ang alaala niya. At nalaman din naming tinulungan ni Elisa ang lalaking 'yon para makatakas.") sagot ni Kisses.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now