#TFGKabanata53

1K 15 0
                                    

RAFAELA

Nagulat naman ako nang biglang may umagaw sa maliit na papel na hawak ko.

Si Jane.

"Hmm! It looks like may admirer ka na agad." sarcastic niyang sabi.

"Akin na 'yan!" inis kong sabi sa kanya at inagaw ang maliit na papel.

"Porke ikaw ang pinakasikat sa grupo ay magmamayabang ka na!" - Jane

Napaka-inggitera niya.

"Hindi ako nagmamayabang Jane. Ang bulaklak na 'to ay galing lang sa kaibigan ko."

"Kaibigan huh?" ngisi niyang sabi at lumapit sa 'kin. "Ito ang tatandaan mo Rafaela, I'm better than you. Lahat ng nasa 'yo ay makukuha ko rin 'yan." sabi niya.

"Walang better sa ating dalawa Jane. Iisang grupo tayo kaya team work dapat ang pinapairal natin at hindi ang pagiging makasarili." advice ko sa kanya.

"So sinasabi mong makasarili ako, gano'n?" - Jane

"Oo, gano'n kasi ang pinapakita mo sa 'kin." diretsahang sagot ko sa kanya.

"How dare you!" - Jane

Nagulat ako nang bigla niya akong sinugod at sinabunutan.

Hindi ko napaghandaan ang ginawa niya kaya napaupo ako sa sahig. Ito ang unang beses na ginawa niya sa 'kin 'to.

"T-tama na Jane." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Bagay lang 'to sa 'yo mayabang ka!" sabi niya habang sinasabunutan niya ako.

Sinubukan ko siyang pigilan pero hindi ko ito magawa.

"Tama na!" naiiyak ko nang sabi.

"Jane! Tama na!" narinig kong sabi ni Margaux.

May umawat sa kanya.

"Bakit nag-aaway kayong dalawa?" tanong sa 'min ni Mary.

"Masyadong mayabang ang babaeng 'yan!" galit na sabi ni Jane.

"Wala akong ginawang ikinagalit mo Jane. Bigla ka na lang sumugod sa 'kin nang walang dahilan." pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Ano ba kayong dalawa! Kaka-debut pa lang natin ay nag-aaway na agad kayo. Buti na lang at hindi 'to nakita ng CEO natin. Kung hindi, lagot tayong lahat." galit na sabi ni Mary.

"Tama siya. Sana ay hindi na ulit mangyari 'to. Isanti niyo muna ang inis niyo sa isa't isa dahil baka mapahamak tayong lahat." pagsang-ayon naman ni Charli sa sinabi ni Mary.

"Pagsabihan niyo 'yang babaeng 'yan!" galit na sabi ni Jane at dinuro pa niya ako bago umalis.

"Ayos ka lang ba Rafaela?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Charli.

"Oh my gosh! May mga kalmot ka sa mukha!" - Michelle

"You need to rest." - Margaux

"Okay lang ako guys. Salamat sa pag-aalala niyo." sabi ko sa kanila.

Sabay-sabay kaming lumabas ng Wattpad Theatre.

"OMG! Si Jane." narinig kong sabi ni Mary.

"And who is that guy?" - Charli

"Kamukha siya ni Fafa Lance Jerold Kim. Na-miss ko tuloy siya." - Michelle

Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi ni Michelle. Napatingin ako sa gawi ni Jane.

Nakita ko si Jane na taas ang isang kamay niya habang hawak ito ni Lance.

"Bitawan mo ako! Anong problema mo?" galit na sabi ni Jane kay Lance.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now