#TFGKabanata63

1K 13 0
                                    

WARNING: Contains matured scenes that's not suitable for below 18 years old.

📌

RAFAELA

Pagkarating ko sa room ni Lance dito sa hospital ay hindi ko mapigilang mapahagulgol nang makita ko siya. Nakahiga siya sa kama at walang malay.

"L-lance." naiiyak kong tawag sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Wag mo akong iiwan please. H-hindi ko kayang mawala ka." sinsero at puno ng emosyon ang nararamdaman habang sinasabi ko iyon sa kanya.

"Magpagaling para sa akin. Parang awa mo na. Gumising ka na please kung naririnig mo man ako."

Napayuko ako at ipinatong ko ang mukha ko sa kamay niya habang umiiyak.

"Mahal na mahal kita Lance." ang huli kong nasabi at humagulgol na talaga ako sa pag-iyak. Hindi ko matanggap na nasa ganito siyang sitwasyon ngayon.

.

.

.

.

.

"Mahal na mahal din kita Rafaela."

Naiangat ko bigla ang ulo ko at napatingin kay Lance.

O_____O

Gising na gising siya habang nakatingin ito sa akin na may ngiti.

"Pwede mo bang ulitin ang huli mong sinabi?" nakangiti pa rin niyang sabi.

Napatingin naman ako kay Kuya Rafael at nakita ko ang pagbungisngis nila ni Lucas.

Napatayo ako bigla. "Nakakainis kayo!" nakasimangot kong sabi.

"Hahahahahaha! Just kidding my dear 'lil sis. Kahapon pa nagising si Lance and he's okay now." sabi ni Kuya Rafael sabay peace sign.

Lumapit ako kay Kuya Rafael at pinagpapalo ko siya. "Hindi magandang biro 'yon Kuya!" naiinis kong sabi sa kanya.

"Pasensiya na." - Kuya Rafael

"Well at least nasabi mo na sa kanya ang nararamdaman mo. Hahahahaha!" natatawa ring sabi ni Lucas.

Mas lalo akong napasimangot dahil do'n.

"Mga yawa kayo!" at pinagpapalo ko silang dalawa.

Napalingon naman ako kay Lance nang marinig ko ang tawa niya. "Isa ka pa Lance." inis kong sabi sa kanya.

"I'm innocent, baby." kunwaring inosente niyang sabi.

"Innocent your face." nakangusong tugon ko sa kanya.

Pero hindi ko mapigilang mapangiti nang palihim. Na-miss ko bigla ang pagtawag niya sa akin ng 'baby'.

Ilang minuto ang nakalipas ay ako ang nagpakain kay Lance ng lunch.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya at sinubuan ko siya ng isang slice ng apple.

"I'm okay now especially that you are here." sagot niya habang nakatingin ito sa akin. "How about you?"

"Okay na rin ako although medyo kumikirot ang ulo ko. Masyadong malakas ang pagkakapalo sa akin ng bruhalditang Elisa na 'yon." sagot ko sa kanya at sinubuan ko ulit siya ng mansanas. "Ano na nga pala ang nangyari sa kanila?"

"Nakakulong na sila ngayon." sagot ni Lance.

"Y-yung anak niya... kumusta na?" hindi ko mapigilang mag-alala.

"She's fine. May nag-aalaga na sa kanya." sagot ni Lance.

"P-pero wala ng magulang na mag-aalaga pa sa kanya. Naaawa ako sa anak ni Elisa." malungkot kong sabi. Kawawa naman siya at nadamay siya sa kahayupan ni Elisa.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now