#TFGKabanata11

1K 14 0
                                    

KISSES

"Kisses?" hindi makapaniwalang sabi ni Rafaela nang makita niya ako. Lumapit naman siya sa 'kin at hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa 'kin.

Tumingin naman ako sa leader nila para ipakilala niya ako. Naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin at lumapit ito sa 'kin.

"By the way, kahit na kilala niyo na siya ay ipapakilala ko pa rin siya sa inyo. She's Kisses Alonte, our new temporary vocal mentor. Every weekdays natin siya makakasama since ang music teacher natin is on maternity leave." pagpapakilala ng leader nila sa 'kin sa mga kasama niya. "Do you have any questions?"

May isang babaeng nagtaas ng kamay. "Ah leader. Bakit kailangan pa nating kumuha ng temporary mentor kung may iba pa namang music teacher na pwedeng tumulong sa 'tin?" tanong ng babae.

"That's a good question though. Magiging busy for the next days ang mga teachers dahil sa pagdating ng mga visitors kanina. We all know na inannouce kanina sa gymnasium na may magaganap na taping dito sa Dela Cruz University in three months. They will be in-charge in taking care of our visitors especially that there are celebrities here. Any questions pa?" paliwanag ng leader nila.

"Leader, sigurado ba kayong professional yang kinuha mo? Napabagsak nga ni Idol Elisa ang career niya. Paano pa kaya sa pag-me-mentor niya?" may isang babaeng nagtanong. Napakuyom naman ako, hindi dahil sa galit kundi dahil sa sakit na naramdaman ko sa sinabi niya.

"Kukunin ko ba siya kung hindi siya professional? At saka yang bibig mo **** ha, hindi ko i-to-tolerate ang ugaling niyong yan. I'm in-charge here at araw-araw kong irereport sa music teacher natin yang pinaggagawa niyo." pagtatanggol sa 'kin ng leader nila mula sa babaeng nagbitiw ng masakit na salita sa 'kin. "Do you have any question pa?"

"None leader." they said in chorus.

"Kung gano'n. Pwede na kayong pumasok sa next subjects niyo." sabi ng leader nila sa kanila.

Umalis na sila maliban lang kay Rafaela na lumapit sa 'kin.

"Wow! Nagmementor ka pala Kisses?" manghang tanong sa 'kin ni Rafaela.

"Yup. Minsan akong nag-me-mentor noong sikat pa ako sa showbiz." I answered.

"Talaga? Gusto ko rin magpa-mentor sa 'yo para ma-improve ko rin 'tong vocal ko." - Rafaela

I smiled to her. "Sure friend."

"Talaga? Waaa! Thank you!" sabi niya sabay yakap sa 'kin. Nakakatuwa talaga si Rafaela. Hindi na ako nagtaka pa kung naging friend ko siya agad. Napaka-jolly niyang person at hindi siya plastic unlike yung isa diyan. Sabihin na lang nating may initials ito na E.V.

"Sige Kisses, kailangan ko nang pumasok sa next class namin. Kita na lang tayo next time." sabi niya.

"Okay, take care." tugon ko naman.

LANCE

"Wait for me babe." - Elisa

Kanina pa ako naiinis sa babaeng 'to. Lagi siyang nakasunod sa 'kin at feeling close. Napaka-clingy pa niya which makes me irritated more.

"Can you please stop following me Elisa?" I glared to her.

"Hmm! Napakasungit mo talaga Lance. Pero yan ang gusto ko sa 'yo. Mas lalo kang nagiging attractive kapag seryoso ka." sabi niya sa 'kin at niyakap niya ang isang braso ko.

"Don't touch me!" galit ko namang sabi at tinulak ko siya. Dahil sa ginawa ko ay natumba siya. Nakita ko ang pagdilim ng awra niya.

"How dare you do this to me Lance? Gusto mo ba talagang mawalan ng fans?" inis na sabi ni Elisa sa 'kin.

"Sa tingin mo ba may pakialam ako? Baka ikaw pa mismo ang mawalan ng fans dahil sa ugali mo. Akala siguro nila ay isa kang inosente at anghel. Pero yun pala ay may tinatago ka ring kati at baho." pang-iinis ko sa kanya.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya kay Kisses. Si Elisa ang dahilan kung bakit nag-su-suffer ang kaibigan ko noong nasa showbiz pa ito. Dahil sa kanya ay sinira niya ang career ni Kisses. Ang pangarap ng kaibigan ko. Hindi ko napigilang maawa kay Kisses. Wala man lang ako nagawa para tulungan siya. Kung pwede ko lang ibalik ang oras ay ipagtatanggol ko siya mula sa mga haters niya lalo na sa babaeng 'to.

"Argh! Hindi pa tayo tapos Lance!" sabi sa 'kin ni Elisa at tumayo siya para umalis. Nginisian ko lang siya habang nakatalikod na ito. She deserves that. Sa tingin niya ay maaakit niya ako kagaya ng pang-aakit niya sa ibang actors? Hindi ako kagaya ng gagong Jameson na yun.

"L.J." tawag sa 'kin ni Manager.

Napalingon naman ako sa kanya at nakita kong papalapit na siya sa 'kin.

"Bakit manager?" I asked him.

"Nakita ko ang ginawa mo kay Elisa." seryosong sabi sa 'kin ni Manager.

Hindi ako nagsalita sabay iwas ng tingin. Mukhang pagsasabihan na naman niya ako sa ginawa ko.

"Tama lang ang ginawa mo sa kanya Lance." - My Manager

Bigla akong napatingin sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko?

"Naiinis ako sa Elisa-ng yan. Tinarayan niya ako kanina nang mabangga ko siya. Ang sama pala ng ugali niya." naiinis niyang sabi na parang babae. Bading kasi ang manager ko kaya babae talaga siya kumilos.

"Woah! Talaga Manager?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Nakita na niya ang totoong pagkatao ng babaeng yun.

"Oo, yung tingin niya sa 'kin kanina. Parang iniisip niyang mababang tao lang ako." inis niyang sagot.

"Hayaan mo na siya at wag patulan. Baka may gawin siyang hindi maganda sa 'yo." paalala ko sa manager ko.

"Gusto ko nga siyang sampalin sa magkabilang pisngi pero sumingit naman si direk. Sorry Lance sa mga sinasabi ko sa 'yo about kay Elisa. Kung alam ko lang noon pa ang mabahong ugali niya ay hindi na sana kita pinush pa sa kanya." - My Manager

"Ayos lang yun Manager. It's not a big deal though." sagot ko sa kanya. "By the way, nagkita na ba kayo ni Jameson?" pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi nga eh. Nang matapos ang announcement kanina ay lalapitan ko sana siya pero lumabas na siya ng gymnasium. Mukhang nagmamadali nga siya habang may kausap sa phone." - My Manager

"Siguro na-mi-miss mo na siya." sabi ko sa kanya. Dating manager ni Jameson ang kasalukuyan kong manager. I don't know the whole story about between them. Ang alam ko lang ay napilitan ang manager ko na mag-resign bilang manager ni Jameson. Hindi ko nga alam kung bakit.

"Sa totoo lang OO, na-mi-miss ko na siya. But past is past, ayoko nang maalala pa ang ginawa ng agency ni Jameson sa 'kin. Pero hindi ko mapigilang mag-alala sa kanya. Simula nang malaos ang loveteam nila ni Kisses ay nagbago na ang agency na pinapasukan niya. Hindi na sila yung pamilyang nakilala ko. They only cared money now." malungkot niyang sabi.

Tinapik ko naman ang balikat niya.

"Don't be sad. Kahit hindi ka na niya manager ngayon ay magkikita pa rin naman kayo. Three mo siyang makikita at makakasama sa taping namin." pag-comfort ko sa kanya.

"Salamat Lance. Despite of your popularity ay hindi ka pa rin nagbabago." sabi sa 'kin ni Manager.

Ngumiti ako sa kanya.

"Sige, aayusin ko lang ang mga gamit mo sa van. Tawagan mo lang ako kung gusto mo nang umuwi." - My Manager

"Okay." simpleng sagot ko.

Nang makaalis na siya ay nilibot ko muna ang buong Dela Cruz University. Dito rin kami nag-aral dati nina Kisses. Pero hindi pa kami close that time dahil hindi naman kami mag-classmate noon.

"Lance, ikaw ba yan?" may narinig akong isang boses ng lalaki.

Napatingin naman ako sa lalaki.

O______O

Teka, kilala ko 'tong lalaking 'to.

"Lucas?" hindi makapaniwalang tawag ko sa kanya.

📌

To be continued...

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now