#TFGKabanata56

1K 13 0
                                    

RAFAELA

Simula nang makita ko si Lance sa bridal shower ay sunod-sunod na tanong ang pumasok sa isip ko.

Anong nangyari sa kanya?

Bakit naging stripper siya?

Paano siya naging si L.J.?

Wala na ba talaga siyang pera?

Bakit hindi siya humingi ng tulong sa parents niya o 'di kaya kay Lucas?

Kumusta na sila ni Elisa?

Natigilan ako dahil sa huling tanong ko.

Kumusta na nga ba silang dalawa? Parang ayokong alamin. Masasaktan lang ako.

Napailing na lang ako.

By the way, ito ang first day ko bilang official actress. Maliban sa pagiging idol ay pinursue ko na rin ang pag-arte. Ito ang una kong proyekto at main lead agad ang nakuha ko. Ang leading man ko naman ay walang ibang kundi si Jameson Faulkerson. Kung dati ay hanggang tingin lang ako sa kanya o fangirl lang, ngayon ay leading lady na niya ako. Dreams do come true talaga.

Ang pamagat ng proyektong ito ay 'The Fangirl'. Isang movie tungkol sa unexpected love story ng isang fangirl. Noong nabasa ko ang script nito ay tumagos talaga ito sa puso ko. Naalala ko tuloy ang sarili ko noon na hindi pa ako sikat.

"Hi Rafaela. Long time no see." bati sa 'kin ni Director Tim. Siya ang Director ng movie nito.

"Hello po Direk." tugon na bati ko sa kanya.

"Are you feeling excited and ready for your first day of taping?" tanong niya.

"Medyo kinakabahan po ako but I'm ready." sagot ko kay Direk.

"Great! I know that you can do this Rafaela. Nakikita ko ang potensyal mo noon pa lang." ani Director Tim.

"Salamat po sa tiwala niyo sa akin."

"By the way, may ipapakilala pala ako sa 'yo." May tinawag si Director Tim at nakita kong may lumapit na isang lalaki sa kanya. "Siya si Daniel. Bagong artista at magiging leading man mo rin." pagpapakilala ni Director Tim sa lalaki.

"It's pleasure to meet you Miss Violet." sabi ni Daniel at nag-bow ito sa akin.

"Nice to meet you too Daniel. But you can call me Rafaela." tugon ko sa kanya. Medyo hindi pa ako sanay na may tumatawag sa aking Violet.

"Can I call you mine too?" nakangiting tanong nito na ikinalaki ng mga mata ko.

"H-ha?" kunwaring hindi ko narinig ang sinabi niya.

"Hahahaha! Just kidding. Maybe I can call you, beautiful." sabay kindat ni Daniel sa 'kin. Mukhang bolero at babaero 'to.

"Hmmm! Mukhang magkasundo agad kayong dalawa." sabi sa 'min ni Director Tim.

Saang banda namang magkasundo kami?

"Of course Director Tim. Sa ganda ba naman niya ay magkakasundo talaga kami." At inakbayan ako ni Daniel.

"Ano ba!" inis kong sabi sa kanya at kumawala ako sa pagkakaakbay niya. Feeling close 'tong lalaking 'to.

"Well, bagay kayong dalawa." natatawang ani Direk.

"Really?" At inakbayan na naman niya ako. "Pwede na ba kaming maging loveteam?"

"Pwede naman. But in Rafaela's case, bawal sa kanya ang magkaroon ng matagalang loveteam since she's an idol." sagot ni Direk kay Daniel.

"How sad for that. But by the way Director Tim..." Lumapit si Daniel kay Director Tim at nagulat ako nang hinawakan niya ito sa mukha. "You have a beautiful face too. You have a foreign look that makes you more handsome." sabi pa ni Daniel habang pinagmamasdan niya ang mukha ni Director Tim.

The Fangirl [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon