#TFGKabanata60

1K 15 0
                                    

ELISA

"THIS CAN'T BE HAPPENING!" hysterical kong sabi dahil sa mga kumakalat na issue ngayon tungkol sa akin.

"Tumahimik ka nga diyan! Naririndi ako sa boses mo!" narinig kong sabi ng isa pang asungot sa buhay ko.

Tiningnan ko siya nang masama. "You know what? This is all your fault! Isa sa mga mali ko ay ang nagpatulong ako sa 'yo! Masyado kang tanga at bobo!" inis kong sabi.

"Ha? Anong tanga at bobo ako? Gusto mo saktan kita diyan!" galit niyang tugon.

"Hindi ba katangahan at kabobohan ang pagpasok mo sa condo ng babaeng ' yon nang hindi man lang nag-iisip? Hello! Hindi mo ba alam ang CCTV? Pati tuloy ako ay nadamay dahil sa 'yo!" sarcastic kong sabi.

"Eh sa hindi na makapaghintay pa ang junjun ko. Makita pa lang ang picture ng babaeng 'yon ay sumasaludo agad ito." aniya na parang may sumasanib sa kanyang demonyo.

"Ang manyak mo talaga kahit kelan! Dapat nagsarili ka na lang! Dahil sa kamanyakan mo ay dinala mo ako sa ganitong sitwasyon! My popularity! My fans! Everything is gone." nagluluksa kong sabi.

"Hoy Elisa! May kasalanan ka rin naman! 'Wag mong isisi sa akin ang lahat! Masyado kang naging assuming na magkakagusto rin sa 'yo si Lance! Yan tuloy, nauto ka!"

Natamaan ako sa sinabi niya.

"Aba malay ko bang ginagamit niya lang ako. Masyado kasi siyang sweet sa akin." nakasimangot kong sabi.

"Teka, bakit kailangan pa nating mag-away? Kailangan nating gumawa ng paraan para malusutan 'to." aniya.

"Kasalanan mo ang nangyari kaya ikaw ang gumawa ng paraan."

"Pero alam mong damay ka rin kaya tulungan mo ako rito." pananakot niya.

Wala naman akong nagawa kundi lapitan siya. Nagsisisi akong nakipagtulungan ako sa lalaking 'to. Pero anong magagawa ko. Hindi ko na maibabalik pa ang oras para bawiin 'yon.

"I have an idea." narinig kong sabi niya.

Sinabi niya sa akin ang nabuong plano niya na sinang-ayunan ko na lang.

Wala akong choice kundi pumayag na lang. Siya na lang ang meron ako dahil sirang-sira na ang pangalan ko sa social media.

"Tingnan mo Elisa. Malapit na pala ang kasal nina Kisses at Jameson." may pinakita siya sa akin sa kanyang phone.

Hindi ko naman mapigilang ma-inggit dahil do'n.

"Eh ano naman ngayon?" walang gana kong tugon.

"Sa araw ng kasal nila gagawin natin ang plano. Magandang pagkakataon 'to para putulin ang kasiyahan nila." aniya at nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin.

Napangisi naman ako dahil do'n.

Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa akin!

📌

- TWO WEEKS LATER -

RAFAELA

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa reaksyon ngayon ni Kisses. Iyak kasi siya nang iyak habang nilalagyan siya ng makeup sa mukha.

"Ma'am, 'wag po kayong umiyak. Nasisira po ang makeup niyo." sabi sa kanya ng makeup stylist.

"Pasensiya na po. Hindi ko po kasi mapigilang maluha." emosyonal niyang sabi.

"Naiintindihan ko po kayo dahil malapit na kayong ikasal sa lalaking mahal niyo. Pero pigilan niyo naman po ang luha niyo parang awa niyo na. Baka maudlot po ang kasal niyo dahil dito." naiistress nang sabi ng makeup stylist.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now