#TFGKabanata87

1K 13 0
                                    

RAFAELA

- FOUR MONTHS LATER -

"Anak! Nandito na si Daniel." narinig kong sabi ni Mama sa 'kin.

"Ito na po." tugon ko habang inaayos ang aking mga gamit sa bag.

Naghahanda ako para sa isang training. Isang training kung saan tinuturuan ang mga first time soon-to-be moms na gaya ko.

Nang maipasok ko na ang mga kakailanganin ko ay lumabas na ako ng aking kwarto at pumunta sa sala.

At nakita ko roon si Daniel na naghihintay.

"Mukhang bihis na bihis ka yata." sabi ko sa kanya.

Daniel was wearing a plain white polo shirt and a cotton pattern shorts. May suot din siyang shades na bumagay sa suot niya.

"Syempre naman. Lagi ko naman 'tong ginagawa kapag may pinupuntahan tayo." aniya.

Kahit simple lang ang suot ni Daniel ay mas lalo siyang gumagwapo. Ang galing talaga niya magdala ng kasuotan.

"By the way..." May kinuha siya sa sofa. Mga rosas. "Para sa 'yo." At ibinigay niya sa akin 'yon.

Araw-araw niya akong binibigyan ng rosas. Naiilang nga ako eh lalo na't may nararamdaman siya sa akin.

Two months ago ay umamin sa akin si Daniel na may gusto raw siya sa akin. Hindi nga ako makapaniwala eh. Nasa isip ko noon ay baka ginogoodtime niya lang ako pero ang sabi niya ay seryoso siya sa nararamdaman niya sa akin.

Simula nung umamin siya ay niligawan niya ako without my permission. Ang dahilan niya ay baka hindi raw ako pumayag which is totoo naman. Pero hindi ko siya mapigilan dahil desidido talaga siya sa nararamdaman niya kaya hinayaan ko na lang. As if namang sasagutin ko siya. Alam naman niyang mahal na mahal ko si Lance.

At hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin siya.

Tinanggap ko na lang ang ibinigay na mga rosas ni Daniel. Sayang din naman ang effort niya.

Inilagay ko ang mga rosas sa isang vase.

"Halika na. Baka ma-late tayo. Alam mo namang terror 'yang si Miss Dyosa." ani ko sa kanya.

Ilang minuto ring nagmaneho si Daniel para makapunta sa training center para sa mga first time Mommies. Na-late nga kami dahil sa traffic.

"You're late again Rafaela and Daniel!" bungad sa 'min ni Miss Dyosa na masama ang tingin sa gawi namin ni Daniel.

"Sorry po Miss Dyosa." paumanhin ni Daniel.

"Pumasok ka kayo para makapagsimula na ang training!" masungit na tugon ni Miss Dyosa. Araw-araw yatang dinadatnan. Hahaha!

Pagkapasok namin ni Daniel ay pumunta na kami sa aming pwesto.

"Okay Mommies and Daddies. Ang gagawin naman natin ngayon ay kung ano ang tamang pagpapadede o breastfeeding sa mga bata." ani Miss Dyosa.

Tumango-tango lang ako.

"Kung ikaw ay isang first-time mom, ang iyong mga posisyon sa pagpapasuso at tamang oras ng pagpapasuso sa sanggol ay magiging komplikado sa umpisa hanggang sa matututunan mo na ito. Bilang isang bagong ina, ang maagang paghahanda ay makakatulong upang maging komportable ka." - Miss Dyosa

Sinusulat ni Daniel ang mga mahahalagang sinasabi ni Miss Dyosa.

"Ano nga ba ang tamang oras sa pagpapadede ng bata? Ang tamang oras ng pagpapadede ng bata ay karaniwang nasa 20 hanggang 30 minuto ang bawat feeding. Maaaring mas maikli o mas matagal dito. Ito ay depende sa bata at sa appetite niya. Siguraduhing maubos ang gatas sa bawat suso sa bawat feeding. Hintayin at pakiramdaman kung tapos na si baby sa isang suso, at huwag basta tanggalin ang una para lang ilipat sa kabila. Kapag tapos na siya, siya rin ang mismong magtatapos at bibitiw sa pagkaka-latch. Ibigay ngunit huwag ipilit ang kabilang suso. Kung ayaw na niya pagkatapos sa unang suso, ibigay ang kabila sa susunod na magutom ito. Karaniwang nakakatulog ang sanggol pagkatapos dumede, at magigising kapag gutom na ulit at handa na sa kabilang suso. Kung nakatulog na ito habang sumusuo, tanggalin ang pagkaka-latch sa pamamagitan ng unti-unting pagpasok ng isang daliri sa gilid ng bibig ni baby." - Miss Dyosa

Medyo tinatamaan na rin ako ng antok sa pakikinig.

"Ngayon naman ay ituturo ko sa inyo ang mga tamang posisyon sa pagpapadede ng bata. Ihanda na ang inyong baby doll." sabi sa 'min ni Miss Dyosa.

Nilabanan ko naman ang antok at kinuha ko ang baby doll.

"Una ay ang Cross Cradle Hold. Kung kayo ay nagpapasuso mula sa kaliwang suso, hawakan ang inyong sanggol gamit ang kanang kamay. Sapuin ang batok ng inyong baby gamit ang inyong kanang kamay. Sa posisyong ito, ang inyong kaliwang kamay ay malayang hawakan ang inyong suso upang maka-latch nang maayos ang inyong sanggol." ani Miss Dyosa habang dine-demonstrate ang mga sinasabi niya.

Sinusunod naman namin ang mga sinabi niya.

"Mahusay. Mukhang lahat ay sumusunod sa mga tinuturo ko lalo na si Rafaela. Pangalawa naman ay ang Football/Clutch Hold. Ang football hold ay halos katulad ng cross cradle. Ngunit ang ipinagkaiba nito ay sa parehas na brasong nakasuporta sa ulo ni baby. Kung ang kanang kamay ang nakasapo sa batok niya, ang breastfeeding ay sa kanang suso mo. Pansinin na ang direksyon ng mga binti at paa ng inyong anak ay palikod at ang mga ito ay nasa ilalim ng inyong braso." - Miss Dyosa

Sinusunod namin ang bawat instruction ni Miss Dyosa para matuto talaga kami.

"Pangatlo ay ang Cradle Hold. Ito ang pinakakilalang posisyong makikita sa mga nagpapasuso. Simple lang ito: kargahin lang si baby sa inyong mga bisig at siguraduhing naka-latch nang diretso sa inyong nipple." - Miss Dyosa

At marami pang itinuro si Miss Dyosa na mga posisyon sa pagpapadede ng bata. Umabot din ng halos dalawang oras ang training namin ngayong araw.

"Bukas naman ay ituturo ko sa inyo ang tamang pagda-diaper sa mga bata. Maaari na kayong umuwi. 'Wag ninyong kakalimutang maaga tayo bukas." ani Miss Dyosa sa 'min.

Pagkatapos ng training ay inihatid na ako ni Daniel sa bahay. Hindi na pala ako sa condo ko nakatira dahil pinakabalik ako ni Mama sa bahay namin. Hindi raw pwedeng palaging mag-isa ako ro'n dahil buntis ako. Pumayag naman ako.

"Oo nga pala, hindi ako pwede bukas. Bibisitahin ko kasi ang Mom ko. Ilang buwan ko na rin siyang hindi nakikita. Sina Lucas at Rafael na ang sasama sa 'yo sa training." sabi sa 'kin ni Daniel.

"Ayos lang 'yon Daniel. Since day 1 ay ikaw parati ang nakakasama ko sa training. Mas mahalagang bisitahin mo ang Mama mo." sabi ko sa kanya.

"Kung gano'n. Magkita na lang tayo sa Sabado." tugon niya.

Pagkaalis niya ay pumasok na ako sa loob ng bahay.

LANCE

"Oohhhhhhh fuck my king! Why are you good at this? You're making me crazy!" I heard Rafaela shouting while I'm thrusting on her.

Mas binilisan ko pa ang paggalaw until we reached the climax.

At hindi ko na alam pa ang kasunod na pangyayari.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now