#TFGKabanata61

1K 15 0
                                    

RAFAELA

"I love you Rafaela. Can I court you?"

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang marinig ko 'yon mula kay Lance.

May halong taka.

Kaba.

Lungkot.

Takot.

Tuwa.

Pag-asa.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

Hindi ko ito napaghandaan.

Dahil sa wala akong maisagot ay tinanggal ko ang kamay kong nakahawak sa kanya at agad akong tumakbo nang pagkabilis-bilis.

"Rafaela!" narinig kong tawag niya sa akin. Pero hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo papalayo sa kanya.

Nang makalayo na ako sa kanya ay doon na ako tumigil sa pagtakbo. Hingal na hingal ako habang nakahawak sa dibdib ko.

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Hindi ko mawari kung dahil ba 'to sa kanya kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko o dahil sa pagtakbo ko?

Pero teka, bakit ako tumakbo? Baka kung ano ang isipin niya. Ang tanga mo talaga minsan Rafaela. Hindi man lang ako nag-iisip.

*boogggsshh!*

Pero natigilan ako bigla nang may naramdaman akong pumalo sa likod ng ulo ko. Parang namanhid ang buong katawan ko.

Natumba ako bigla sa lakas ng pagkakapalo nito.

Unti-unting dumilim ang paligid.

Pero bago ako mawalan ng malay ay naaninag ko ang mukha ng isang pamilyar na babae.

Elisa.

Blank.

KISSES

Huminga ako ng malalim at halos hindi ako makapaniwala nang makita ko ang sarili ko sa human-sized mirror. Napakaganda at elegante ng suot kong gown. Halatang mahal ang wedding gown na ito dahil sa mga disenyo nitong diyamante.

"Ang ganda niyo po, Ma'am." puri ng babaeng tumulong sa akin sa pagsusuot nitong gown ko.

Ako na yata ang pinakamasayang bride. Unang-una dahil si Jameson ang mapapangasawa ko. Pangalawa, sa dami ng pinagdaanan kong heartbreaks dahil sa kanya ay siya pa rin talaga ang makakatuluyan ko. And last, ang biyayaan kami ng isang napakagwapong anak. Parang naging worth it lahat ng heartbreaks ko. Pakiramdam ko ay wala na akong mahihiling pa.

May kumatok sa pinto dahilan para mapatingin ako do'n. My parents and my sister Danielle.

"Napakaganda talaga ng anak ko." puri sa 'kin ni Mom at saka niya ako niyakap. Gano'n din sina Dad at Danielle.

"Thank you Mom, Dad, Sis." tugon ko sa kanila. Isa rin sila sa mga dahilan kung bakit masaya ako ngayon.

"Alam kong magiging masaya ka sa kanya, anak. Panatag ako dahil siya ang mapapangasawa mo." sabi sa 'kin ni Dad.

Nanggilid naman ang luha ko. My parents are supportive at kahit kelan ay hindi sila naging hadlang sa kaligayan ko. Kahit hindi ko kadugo sina Mom at Danielle ay tinuring nila akong pamilya.

"Excuse me. Nandito na po ang kotseng magsusundo sa bride sa simbahan." sabi sa amin ng wedding coordinator.

"O siya, anak. Mauuna na kami sa simbahan." sabi ni Mama at nagbeso kami.

"Sis, sigurado akong kinakabahan na d'on ang groom mo." natatawang sabi ni Daniele at nagbeso rin siya sa akin.

"Break a leg, my dear daughter." sabi naman ni Papa at hinalikan niya ako sa noo.

Kumaway ako sa kanila hanggang sa makalabas na sila ng kwarto.

"Ma'am, halika na po. Labas na po tayo." sabi ng nag-ayos sa akin ng gown.

Tumango lang ako. Inayos niya muna ang laylayan ng gown ko at saka ako huminga ng malalim bago lumabas.

Naghihintay sa labas ang kotseng maghahatid sa akin sa simbahan.

"Sige po ma'am. Mauuna na po kami." narinig kong sabi ng wedding coordinator nang makasakay na ako sa kotse.

Nang umandar na ang kotse ay nakatingin lang ako sa daan. Excited na akong ikasal sa kanya. Noon ay pinapangarap ko lang 'to. Pero ngayon ay matutupad na siya. Dreams really do come true.

Napakunot ang noo ko nang mag-iba ng direksyon ang kotse.

"Ah manong. Maling direksyon po ang napuntahan niyo." sabi ko sa driver.

Napalingon naman ito sa akin. "Nasa tamang direksyon tayo."

Natigilan ako bigla nang makita ko ang mukha ng driver. Ang excitement na naramdaman ko mula kanina ay napalitan agad ito ng takot at kaba.

Ang dating boss ni Jameson. Hindi ako makapaniwalang makikita ko siya rito.

"B-bakit ka nandito? Ibaba mo ako!" kinakabahan kong sabi at sinubukan kong buksan ang pinto ng kotse pero naka-lock ito.

Nakita ko naman ang pagngisi niya. Tinakpan niya ang ilong at bibig niya ng mask. May kinuha siyang isang maliit na bote at inispray niya ito sa akin.

*cough cough cough*

Napa-ubo ako bigla nang malanghap ko ito. Nakaramdam ako ng pagkahilo.

"J-jameson." ang nasambit ko bago ako mawalan ng malay.

LANCE

Kanina ko pa tinatawagan si Rafaela pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Hinanap ko siya sa buong simbahan pero hindi ko siya mahanap. Hindi ko mapigilang mag-alala sa kanya.

"Bakit wala pa rin si Kisses?" narinig kong sabi ni Jameson.

30 minutes na ang nakalipas pero hindi pa rin nagsisimula ang kasal dahil wala pa si Kisses hanggang ngayon. Marami tuloy ang nag-aalala.

"Calm down bro. Baka na-flat lang ang sinasakyang kotse niya." narinig kong sabi ng kakambal niya.

"Sigurado ka ba? Eh hindi mo nga siya nakita." inis na sabi ni Jameson sa kanyang kakambal.

*tenenenenenenen!*

Tumunog naman ang phone ko.

Isang message via MMS.

Binuksan ko ito.

Natigilan ako nang makita ko ang mensahe.


From: +639696969696

Kung gusto mo pa siya makitang buhay ay pumunta ka sa ******* sa may *******. Wala ka dapat pagsabihan nito.


May naka-attach itong litrato ni Rafaela na walang malay at nakatali.

"Fuck!" narinig ko bigla ang mura ni Jameson.

"What happened?" narinig kong tanong ng isang babae. Nakita ko na siya dati sa bridal shower ni Kisses.

"Nothing." 'yon lang ang naging tugon ni Jameson at tumakbo siya papalabas ng simbahan.

Agad ko naman siyang sinundan at nakita kong may tinatawagan siya.

"'Wag mo siyang sasaktan hayop ka!" narinig kong sigaw niya. Naiintindihan ko na kung bakit gano'n na lang ang galit ni Jameson.

Rafaela and Kisses are both in trouble.

At alam ko na kung sino ang kumidnap sa kanila.

📌

To be continued...

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now