#TFGKabanata52

1K 15 0
                                    

LANCE

Negative.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko nang mabasa ko 'yon.

Hindi ko siya anak.

Hindi ko anak si Elise.

Matutuwa ba ako o hindi?

Kahit may halong saya ay nandoroon pa rin ang galit at lungkot sa puso ko.

All this time ay tama ang hinala ko.

Hindi talaga ako ang ama ng pinagbubuntis dati ni Elisa.

"L-lance." parang hindi makapaniwalang sabi ni Elisa nang makita niya ang resulta ng DNA na hawak ko.

"Hindi ba talaga ako ang ama ni Elise?" may halong lungkot kong tanong.

"A-ah ano kasi..." hindi siya mapakali at walang masabi.

"Hindi mo na kailangan pang gumawa ulit ng kasinungalingan Elisa. Kitang-kita na dito sa papel at sa reaksyon mo ang totoo." sabi ko sa kanya.

"I'm sorry Lance." - Elisa

"Paano mo nagawa 'to Elisa? 'Wag kang mag-sorry lang. Deserve makasama ni Elise ang totoo niyang ama." sabi ko sa kanya.

"NOOOOOOOO!" sigaw bigla ni Elisa.

"Bakit naman hindi? At bakit sinabi mo sa aking ako ang ama niya? Ganyan ka ba ka-desperada para makuha ako? O baka hindi mo lang alam kung sino ang ama niya dahil sa dami ng lalaking kinama mo?"

*slap*

Bigla naman niya akong sinampal. "How dare you to judge me like that? Oo! Aaminin kong malandi ako. Pero hindi ako nagpapatuhog sa kahit sinu-sinong lalaki lang!"

"Eh bakit nabuntis ka?" Natigilan naman siya dahil do'n. "Sa tingin mo paniniwalaan pa kita? Ang dami kong sinakripisyo para sa 'yo noong buntis ka. Lumayo pa ako sa babaeng mahal na mahal ko dahil sa 'yo. Inaamin kong matagal na akong may doubt na baka nga hindi ako ang ama ni Elise. Pero sa puso ko, mas pinaniniwalaan kong anak ko siya. Nang manganak ka na ay napagdesisyunan kong magpa-DNA test para malaman ang totoo. P-pero masakit pala sa puso nang malaman ko ang resulta. Iniisip ko na s-sana ay ako na lang ang ama niya... O k-kaya'y sana hindi na lang ako nagpa-DNA test." naiiyak ko nang sabi.

"I'm really sorry Lance. Please don't leave us. Ayokong mawalan ng ama ang anak ko." pagmamakaawa niya.

"Why don't you find the real father of your child? Siya dapat ang umako sa responsibilidad ni Elise."

"Because he's a jerk." - Elisa

Hindi naman ako nagsalita. Gusto kong pakinggan ang side niya kahit na nawalan na ako ng tiwala sa kanya.

"Mas pinili niya ang babaeng 'yon kaysa sa akin. Sinabi ko sa kanyang buntis ako pero wala siyang pakialam. Imbes na matuwa ay nagalit siya sa akin. Ang sabi pa nga niya sa 'kin ay malandi ako. Baka nga raw hindi siya ang ama ng dinadala ko dahil kung kani-kanino raw ako pumapatol. But believe me, siya lang ang lalaking pumasok sa 'kin at wala nang iba pa." pagkukwento niya.

"So ibig sabihin ay wala talagang nangyari sa 'tin noong gabi 'yon?" I asked.

"W-wala. It was part of my plan." pag-amin niya.

Napahilamos ako bigla. Puno ng galit at pagsisisi ako ngayon dahil hindi ako naniwala sa sarili ko.

"Please don't leave us. My daughter needs you. At saka hindi ka pwedeng bumalik sa babaeng 'yon." aniya na ikinatigil ko.

"And why would I follow you?" inis kong tanong sa kanya.

"Dahil malapit na ang debut niya bilang isang idol. At bilang idol, bawal silang magka-lovelife dahil pwede itong ikasira ng reputasyon nila. Gusto mo bang masira ang pangarap na pinaghirapan niya?" - Elisa

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now