#TFGKabanata30

1K 69 0
                                    

RAFAELA

Nakarating kami sa condo ni Lance.

"You will be safe here." narinig kong sabi ni Lance.

"Ayos ka lang ba Rafaela? May masakit ba sa... Oh my gosh! You're bleeding!" biglang napasigaw si Kisses.

Nakita kong lumuhod si Lance at tiningnan ang kaliwang paa ko. Napatingin din ako at nakita kong may sugat ako do'n. Hindi ko man lang namalayan.

"Kukunin ko lang ang first aid kit." sabi ni Lance.

"Kainis! Sino kaya ang nagpakalat ng picture na 'yon?" inis na sabi ni Kisses.

Hindi naman ako nagsalita.

Ilang saglit lang ay bumalik na si Lance dala ang first aid kit.

At sinimulan na niyang linisin ang sugat ko.

"A-aray!" napasigaw ako bigla. Ang hapdi kasi.

"Konting tiis lang Rafaela." narinig kong sabi niya.

Napahawak naman ako sa kamay ni Kisses. Ang hapdi talaga.

Pagkatapos niyang linisin ang sugat ko ay nilagyan niya ito ng ointment at sunod ang paglagay ng band aid na malaki ang size.

"I hope gumaling agad yang sugat mo." sabi niya.

O____O

AT HINALIKAN NIYA ANG IBABAW NG BAND AID NA NASA SUGAT KO.

*dug dug dug dug dug dug dug*

"Kyaaaaa! Ang sweet naman." kinikilig na sabi ni Kisses.

Hindi ko alam pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

KISSES

Hindi ko mapigilang maawa sa sitwasyon ngayon ni Rafaela.

She doesn't deserve this.

Sirang-sira na ang pangalan niya sa social media dahil sa mga negatibong komento laban sa kanya.

😥

Sino kaya ang nagpakalat ng issue na 'yon?

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Lance kay Rafaela.

Tumango lang si Rafaela.

"Wag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para maayos ang issue na 'to. Malalagot din sa 'kin ang nagpakalat ng issue na 'yon." sabi ni Lance kay Rafaela.

"T-talaga?" si Rafaela.

Tumango naman si Lance. "Lilinisin ko ang pangalan mo at papatunayan kong misunderstanding lang ang lahat." aniya.

"Tama si Lance. Nandito rin ako para tulungan ka." sabi ko naman kay Rafaela.

"Salamat sa inyo. At pasensiya na Lance kung nadamay ka sa issue ko." - Rafaela

"Issue natin. Wag mong sarilihin ang problema Rafaela. I'm always here to help you kahit anong mangyari. Sa ngayon ay kailangan muna natin mahanap ang main source ng pagkalat ng issue." si Lance.

"May ibibigay pala ako sa inyo. Baka makatulong." sabi ni Rafaela at may kinuha siya sa bag niya.

Isang itim na envelope.

"May nagpadala sa 'kin 'yan noong Sabado." aniya.

Tiningnan naman ni Lance ang laman.

"B.M.?" ang nabanggit bigla ni Lance.

"May kinalaman yan sa pagkalat ng issue. Maliban sa pareho ang kuha ng picture na yan at sa kumalat sa social media ay nagpadala rin siya ng message sa phone ko." pagpapaliwanag ni Rafaela at may pinakita siya kay Lance sa phone. Agad naman akong lumapit kaya para tingnan ito.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now