#TFGKabanata25

1K 68 0
                                    

RAFAELA

"Ayos ka lang Lucas?" tanong ko sa kanya.

Ang tagal na simula noong makita ko siyang malungkot.

"Naalala ko lang si Dad. Matagal na rin simula noong hindi ko siya nakita." malungkot niyang sagot.

Mukhang na-mi-miss na niya ang daddy niya.

"Kaya nandito ako parati sa lugar na 'to dahil kapag pumupunta ako rito ay naaalala ko si Dad. Kapag nandito ako, pakiramdam ko ay kasama ko siya." aniya.

Hindi ko naman mapigilang malungkot para kay Lucas. Ang hirap siguro kapag kulang ng isang miyembro ang isang pamilya. Kahit hindi ko iyon naranasan pero nararamdaman ko ang sakit mula kay Lucas.

"Iba pa rin talaga kapag kausap ko siya sa personal kaysa online. Doon ko nararamdaman ang pagmamahal niya sa 'kin." sabi niya.

Tumayo naman ako para lapitan siya.

At niyakap ko siya.

O____O si Lucas

"Kahit na wala ang Daddy mo sa tabi mo, nandito naman kami ng Mama mo na nagmamahal sa 'yo. Sa totoo lang, maswerte ako dahil naging bestfriend kita simula noong bata pa tayo. Ikaw ang tumayong superhero sa tuwing binubully ako sa school." Bumitaw ako sa pagkakayap kay Lucas at tinignan siya sa mga mata niya. "Ito lang ang masasabi ko sa 'yo Lucas, darating din ang araw na magkikita ulit kayo ng Daddy mo. Tatandaan mo yan." sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman sa 'kin si Lucas at ginulo niya ang buhok ko.

"Salamat Rafaela. Sa tuwing malungkot ako ay parati kang nandyan para pagaanin ang loob ko. Pero sa totoo lang, mas maswerte ako nang maging bestfriend kita. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw lang ang parating nagpaparamdam sa 'kin nang ganito." aniya.

Pagkalipas ng ilang oras ay nagsidatingan na ang mga bata. Mukhang tapos na ang klase nila.

"Shall we?" sabi ni Lucas sabay lahat ang isang kamay niya sa 'kin.

Hinawakan ko naman ito at umalis na kami ng playground.

JAMESON

Shit! Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?

Did I do something wrong to her?

O baka busy lang siya?

Pero halos tatlong araw na niya akong hindi sinasagot.

Hindi kaya...

Imposible.

Imposibleng alam na niyang ginagamit ko lang siya dahil wala namang nakakaalam sa sikreto ko.

"Okay Jameson and Lance. Kayo na ang susunod." sabi sa 'min ni Director Tim na feeling pogi.

Agad naman kaming pumwesto ni Lance sa gitna ng court ng DCU. Ako, naka-upo sa sahig habang hawak-hawak ko ang kunwaring masakit kong paa. Habang si Lance naman ay nasa malayo at lalapit sa akin.

"Okay Scene 7, Take 1. Lights, camera, action!" - Director Tim

"A-araaaaaayyyyyyyy!" ako yan habang umaarteng masakit ang isang paa ko.

"Pre!" si Lance habang papalit ito sa 'kin.

"Ang sakitttttttttt!" bulong ko.

"Ayos ka lang ba pre?" kunwaring nag-aalalang tanong niya nang makalapit na siya sa 'kin.

"Oo, okay lang ako, okay lang ako. Nakikita mo namang namamaga ang kaliwang paa ko." sarcastic kong sabi sa kanya.

Tinignan naman niya ang kaliwang paa ko.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now