#TFGKabanata71

1K 14 0
                                    

WARNING: Contains matured scenes and effects. Masyadong awkward ang chapter na 'to kaya be ready.

📌

RAFAELA

Dinala ako ni Lance sa kwarto na pansamantala kong matutulugan ngayong gabi.

"Ito ang kwarto natin. Pasensiya na kung maliit lang pero kasya naman tayong dalawa sa kama." sabi niya na ikinatigil ko bigla.

"T-teka, sa iisang kama tayo matutulog." nauutal kong tanong.

Tumango siya. "Iisa lang ang kwarto ng place ko. Wala rin akong sofa na pwede kong tulugan. At saka iisa lang ang comforter ko."

Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. Pero ayokong matulog sa tabi niya. Baka may mangyari na namang kababalaghan sa pagitan naming dalawa. Nangako ako sa sarili kong huli na 'yon. After wedding na namin ang kasunod.

"Sa sahig na lang ako matutulog. Okay lang sa akin na wala akong kumot." sabi ko sa kanya.

"Pero baby, baka kagatin ka ng mga lamok kung sa sahig ka matulog. Wala pa naman akong kulambo o kahit man lang katol." pagdadahilan niya.

Hindi ko mapigilang samaan siya ng tingin.

"Edi sa tabi mo na lang ako matutulog!" nakasimangot kong asik sabay irap. I'm sure tuwang-tuwa ang mokong ngayon.

Pero pipigilan ko siyang maka-score sa akin. Akala niya hahayaan kong mangyari 'yon. Manigas siya.

After the wedding. Yun ang nasa isip ko ngayon.

RAFAEL

Pinagmasdan ko si Lucas habang natutulog ito.

Hindi ko mapigilang malungkot dahil sa nangyari sa aming dalawa. Nasaktan ko siya dahil sa kagaguhan ko.

Naalala ko bigla ang pangyayari 'yon.

*flashback*

Pagkatapos ng lunch ay naglibot-libot muna ako sa yate hanggang sa mapunta ako sa isang parte kung saang walang tao.

Meron pala. May nakita akong isang babaeng naka-upo sa may gilid. Sexy ito although may edad na. Pero hindi halata at mukhang bata itong tingnan.

Napatingin naman sa gawi ko yung babae.

"Hello there." bati pa nito sa 'kin at kinindatan ako.

Sa totoo lang, hindi ko mapigilang magandahan sa kanya. Mas pumukaw sa akin ang katawan niya. May kurba ito at malulusog din ang kanyang dibdib. Siya ang babaeng natipuhan ko agad. Pero loyal ako kay Lucas.

Ngiti lang ang tinugon ko sa babae. Pero hindi ko namalayang dinadala na pala ako ng mga paa ko papalapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

"Buti naman at sinamahan mo ako iho. Akala ko ay tititigan mo lang ako." may halong landing aniya.

"Magandang tanghali po, Ma'am." magalang kong bati sa ginang.

"Wag mo na akong i-po iho. Nakakatandang pakinggan. At wag mo na rin akong tawaging Ma'am. Just call me Valentina." natatawang sabi niya.

"Okay, Valentina." tugon ko sa kanya.

"That's better. By the way, would you believe me iho if I tell you that the moment I saw you standing there..." sabay turo niya sa kinatatayuan ko kanina. "I couldn't take my eyes off of you? You have that handsome face."

Nahihiyang ngumiti at tumawa ako. "Thanks." sabi ko at umupo ako sa tabi ng ginang. Wala naman sigurong masama dahil walang malisya ito sa akin.

The Fangirl [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon