#TFGKabanata31

1K 15 0
                                    

JAMESON

Pagkarating ko sa building ng agency ko ay agad akong sinalubong ng aking manager.

"Kanina ka pa hinihintay ni boss. Mukhang goodnews nga eh dahil good mood ang itsura niya habang kinakausap ko siya." sabi ng manager ko.

Good mood si boss? Bakit naman kaya? May nangyari bang maganda sa kanya?

Pagkarating namin ng manager ko sa tapat ng opisina niya ay kumatok ako sa pintuan nang dalawang beses.

"Come in." narinig kong sabi ng boss ko.

Pagkapasok ko sa loob ay agad akong umupo sa silya na nasa tapat ng kanyang mesa. Ang manager ko naman ay naghihintay sa labas.

"Paki-lock ang pinto. Ayokong may mang-istorbo sa 'tin." - boss

Sinunod ko naman siya at ni-lock ko ang pinto.

"Ano po ba ang pag-uusapan natin?" tanong ko kay boss.

"I have a good news for you." aniya na halatang excited siyang sabihin ang gusto niyang sabihin.

Napakunot naman ang noo ko dahil do'n.

"Anong good news?" walang interesado kong tanong.

"May tumawag sa 'king isang production company sa Hollywood. Ang sabi nila ay kukunin ka nila bilang cast sa bagong movie nila next year. Saktong doon matatapos ang lahat ng projects mo. Isn't it great?" masayang paliwanag ni boss.

Ako naman ay walang masabi. Hindi ko kasi maintindihan ang sinabi niya. Masyadong mahaba.

"Answer me Jameson." naging seryoso bigla ang boses niya.

"Ah y-yeah." yun na lang ang sinagot ko.

"This is a huge opportunity Jameson. Dito pa mismo sa Pilipinas kukunan ang Hollywood movie. Isang malaking exposure 'to para sa 'yo. May chance na malamangan mo ang hambog na Lance na 'yon sa Brand Reputation Ranking bilang Top Actor. At hindi mo na kailangan pa si Elisa para sumikat." paliwanag niya.

Sa haba ng paliwanag niya ay yung huling pangungusap niya ang pumukaw sa atensyon ko.

"Hindi mo na kailangan pa si Elisa para sumikat."

Bigla akong naging interesado sa project na 'yon.

Pero nagdadalawang isip pa rin ako.

"It looks like you're going to accept it." narinig kong sabi ni boss.

"Let me think about it." ang naging tugon ko.

"No, you have to accept it. Malaking project 'to Jameson." seryosong sabi ni boss.

Ito talaga ang ayaw ko sa kanya. He really changed. Dati naman ay mabait siya pero ngayon. Nag-iba na siya simula noong naging ka-partner ko sa showbiz si Elisa.

"No, pag-iisipan ko 'to nang maayos. Hinding-hindi mo na makokontrol ang mga desisyon ko." mahinahong sabi ko kay boss at tumayo na ako para umalis.

"Gusto mo bang magaya kay Kisses ang babaeng 'yon? Ang ma-bash siya ng mga tao?" - boss

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Nagtatakang napalingon ako sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko kay boss.

"Hahahaha! N-nothing. I was joking. Okay, I will give you time to think." sabi niya at tumayo na siya para umalis. Halatang hindi siya mapakali.

Pero bago siya umalis ay tiningnan niya ulit ako. "I am expecting a yes for you." dagdag pa niya.

Ako naman ay nagtaka sa sinabi niya. Hindi siya ang tipong taong nagbibiro. Sa tuwing nakakarinig siya ng biro ay nagagalit agad siya lalo na kung tungkol ito sa kanya.

Something's wrong with my boss.

KISSES

Sinubukan kong tawagan si Jameson ngunit out of coverage area ito.

Saulo ko pa rin ang number niya hanggang ngayon pero baka nagpalit na siya ng sim card dahil hindi ko siya ma-contact pa.

Agad naman akong napatingin kay Lance na nagmamaneho ngayon papunta sa bahay nina Rafaela.

"May number ka ba ni Jameson, Lance?" I asked him.

"Bakit mo naman hinihingi ang number niya? Akala ko ba ay may number ka niya?" nagtatakang tanong ni Lance.

"Baka kasi nagpalit na siya ng sim dahil hindi ko siya ma-contact. At gusto ko lang siya makausap tungkol sa issue." sagot ko sa kanya.

"Just leave it to me. Ako na ang bahalang kumausap sa kanya." si Lance.

"S-sige." yun na lang ang naisagot ko.

Pagkarating namin sa bahay nina Rafaela ay nakita naming maraming reporter ang nakaabang sa labas.

"Damn it! Mukhang hindi ka makakauwi ngayon Rafaela." sabi ni Lance sa kanya.

"Ano? Pero nandoon sina Mama at Papa. Baka mapahamak sila dahil sa mga reporter na 'yan?" kinakabahang tugon ni Rafaela.

"Wag kang mag-alala. Gagawan ko ng paraan ang mga reporter na 'yan. Sa ngayon ay kailangan mo muna ng lugar na pwede mong matuluyan pansamantala." sabi ni Lance.

"Pwede ka sa place ko Rafaela." suggestion ko.

"No, she's not safe there. Kulang ng security ang place mo." sabi sa 'kin ni Lance kaya napanguso ako.

"So, saan siya pwedeng matulog?" tanong ko kay Lance.

"Maybe at my place." sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"Hoy! Anong at your place ka diyan? No no no no! Hindi ako makakapayag sa suggestion mong 'yan. Porke't ship ko kayong dalawa ay hahayaan ko na kayong mag-live in sa isa't isa." pagkontra ko sa sinabi ni Lance. Baka kung may anong gawin siya kay Rafaela na sila lang dalawa. Naniniguro lang ako lalo na't may gusto siya kay Rafaela.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Wala na siya pwedeng matirahan na iba. Kaya sa ayaw at sa gusto mo ay mag-ste-stay siya sa place ko."

Napakrus naman ang braso ko sa inis. Hindi pwede 'to. Paano na lang kung may mangyari sa kanilang dalawa sa condo niya?

Kailangan kong mag-isip ng paraan.

LANCE

Tinawagan ko ang manager ko at inutusang asikasuhin ang mga reporters na nasa tapat ng bahay nina Rafaela.

Kailangan kong gumawa ng plano para malinis ang pangalan ni Rafaela as soon as possible.

Pero hindi ko naman mapigilang mapangiti.

Makakasama ko buong araw si Rafaela sa condo ko hanggang sa malinis ko ang pangalan niya. Hehe!

Pakiramdam ko tuloy ay naiihi na ako sa kilig at excitement.

Susulitin ko ang bawat oras na kasama siya.

Sisiguraduhin ko talagang mahuhulog siya sa 'kin. Hahahahaha!

Mukhang magiging kumpleto na ang mga susunod na araw ko.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now